BIGYAN NATIN ng larawan ang tungkol sa kabataan dahil isa itong sensitibong paksa na may kinalaman sa ating ginagalawang lipunan. Kung ito ay problema ng mga magulang, tiyak problema na rin ito ng mamamayan at ng batas. Hindi kaila sa atin na mas mara-ming nasasangkot sa krimen na kabataan at tila rin naman hindi natin ito masyadong nabibigyang pansin dahil iniisip nilang mga bata ito. Maging sa mga lansangan, halos nag-uumaga naman ang mga batang hamog. Sila ang laman ng lansangan na kundi nagiging biktima ng mabibilis na sasakyan ay siya ring nagpapasimula ng mga krimen.
Ang House Bill 6052 na isinusulong sa Kongreso sa pangunguna ni Rep. Pedro Romualdo ay naglalayong pababain ang edad ng pananagot sa krimen ng isang tao sa Pilipinas. Sa kasalukuyan, tanging mga batang edad labing-lima pataas lang ang puwedeng ikulong at papanagutin kapag nagkasala. Sa kagandahan naman nito, sila ay hindi ikinukulong sa ordinaryong piitan kundi katulad ng sa Boystown. Samantala, ang mga kabataan na may edad na higit na mababa sa labing-lima ay agad absuwelto sa anumang krimen dahil ipinalalagay ng batas na ang batang nakagawa ng krimen maging ito man ay pagpatay ay inosente dahil sila ay wala pa sa tamang pag-iisip, upang makagawa ng samu’t saring krimen.
Sa bagong batas or House Bill # 6052 kapag ito ay naaprabuhan ng nakakarami ay ibababa nito sa labindalawa ang edad ng batang puwedeng ikulong at papanagutin sa pagkakasala.
Tila, hati ang opinyon ng mga tao rito. May ilang tutol na mga grupo ang nagsasabing ang batas ay isang uri ng kalupitan at pangaralan na lamang ang mga ito, i-educate at itama dahil wala pa sila sa hustong edad.
Bilang isang mamamayan ng Pilipinas, pumapabor ako sa isinusulong na batas na nagbababa sa edad ng mga kabataan na dapat managot kapag lumabag sa batas. Napapanahon ito dahil sa kasalukuyan ay ginagamit ng ilan ang pagiging bata, upang makaiwas sa pananagutan sa krimen. Halimbawa na lamang dito ay ang paggamit ng mga sindikato sa mga bata bilang taga-dala sila ng mga bagay na labag sa batas tulad ng mga droga at armas na sangkot sa krimen.
Mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga kabataan sa lipunan, dahil ayon nga kay Rizal, sila ang pag-asa ng bayan. Lahat tayo ay nagdaan sa pagkabata, at masasabi kong sa edad na labindalawa ay alam ko na ang lahat, kung ano ang tama at mali. Hindi dapat idahilan ang kawalan ng hustong gulang upang makagawa ng krimen, may magulang man, na gagabay o wala.
Ang bagong batas ay hindi laban sa mga kabataan kundi pabor pa nga dahil itinuturo nito na “sa bawat karapatan ay may katumbas na pananagutan”. Kapag nagkasala ay dapat managot, sapagkat ang batas ay binuo ng tao para sa tao, upang sila ay madisiplina at magkaraon ng responsibilidad sa komunidad na kani-lang ginagalawan o sa lipunan. Gayunpaman, mainam na manatili pa ring hiwalay ang mga batang nagkasala sa mga may edad na may sala sapagkat, sila rin ay may karapatan na buuin ang kanilang pagkabata at para sa makataong karapatan. Sila rin naman ay na-ging biktima ng pangyayari dahil sila nga ay kulang sa gabay sa katotohanan, at hindi nagagabayan. Lalo na’t dapat silang matakot sa batas, bata pa lamang, dahil walang inosente dito, panagutin ang dapat managot upang maiwasan ang elementong masama. Samantalang ang kahirapan ay kakabit na ng karahasan sa lipunan, hindi ito dapat maging rason upang hindi makapamuhay nang matuwid.
Ito ang larawan sa canvas ni Maestro Orobia.
Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.
For comments and suggestions, e-mail: [email protected] and/ or [email protected].
ni Maestro Orobia.