MAMAYANG GABI na ang huling episode ng Ina, Kapatid, Anak. Pero magkaaway pa rin sina Kim Chui at Maja Salvador. Totohanan ang away nila na ang akala ko noong una ay gimik lang.
Now, si Maja, happy kay Gerald Anderson. Si Kim naman wala pa ring pag-amin kung sila nga ba talaga ni Xian Lim.
Pero kamakailan, nang sabihin ni Xian that Kim completes him, maraming mga fans nila ang natuwa.
Pero naloka ang mga beki nang sabihin naman ni Kim that Xian is “GIFTED” na para sa mga bading, iba ang ibig sabihin nito.
Siguro naman with Xian’s “gift”, kung ano man ang ibig sabihin ni Kim, sana maka-move on na siya ang get-over with Gerald na happy na rin with Maja.
Para panigurado sa showbiz, para hindi maagaw o mapakialalam ng iba, kapag sa ‘yo ibalandra mo na, at i-press release para ‘pag may nagparamdam at nanulot na iba, siya ang sisisihin at may sala. Sa kaso ni Kim, siya naman kasi ang nag-iinarte.
After Gerald, ‘di nga ba’t may Bea Alonzo and Sarah Geronimo pa na ineeklat ang actor bago sila na-link ni Maja?
Bakit delayed reaction nga naman si Kim at never nag-react during Bea and Sarah’s “Ligawan and Love” with Gerald?
SA SUNDAY na ang bagong palabas ng GMA-7 na Sunday All Stars na pantapat sa ASAP ng Kapamilya Network.
Hopefully, after a few weeks na namahinga nila, nakita na nila ang kanilang mga pagkakamali after reviewing Party Pilipinas’ creativity and performance level.
Kung bakit naman kasi ayaw nilang mag-hire nang matino at totoong creative team para mag-research nang matino at i-update ang kanilang music; kumuha ng mas updated at mas magaling na choreographer (kung si Maribeth Bitchara ay nag-retire na, dapat nag-lie-low na si Geleen Eugenio) at matinong stylist na may alam at hindi lang mga beki na galing sa mga girlie bars sa Quezon Ave. na nagbibihis ng mga GROs at ang alam ay gawing impersonators ang kanilang talents.
And one more thing, ang hindi marunong sumayaw, huwag nang pasayawin. ‘Yong umaalulong kung kumakanta, huwag nang pakantahin. ‘Yong walang mga talent, huwag nang ipilit isaksak sa sampu-samperang talent(less) stars nila.
Sa pagkakaalam ko, ayon sa kuwento ni Jolina Magdangal, isa siya sa mga mentor ng apat na grupo na maglalaban-laban (as a team) during Sundays na tipong Saturday Entertainment ni Kuya Germs noon.
CHEAP NAMAN ng angulo na ayaw pagamit ni Nora Aunor sa pamangkin na si Marion Aunor dahil daw sa isang utang diumano ni Nora noon sa nanay ni Marion na si Maribel aka Lala Aunor, kung saan nang hindi makabayad ang aktres sa pinsan ay pina-pull-out diumano nito ang sasakyan ng aktres na hulugan kung saan si Lala diumano ang guarantor noon.
Kaya umalma ang kampo ni La Aunor dahil sobra naman daw ang tsismis na dina-down ang dating Superstar gayong sa pagpasok ni Lala sa showbiz, ginamit nito ang apelyidong “Aunor” na nakatulong sa kanya para makilala na nilinis din naman ni Guy ang daan para mas madali sa kanya na makilala ng fans at magkapangalan.
Say raw ng kampo nina Marion, sila raw ang original na Aunor habang si Nora ay walang koneksyon man lang sa apelyidong “Aunor” at isa siyang Cabaltera-Villamayor.
Bad publicity ito kung sakali para kay Marion na ngayon pa naman na maganda ang panimula niya after winning in Himig Handong P-Pop as 3rd placer for her English composition na tinanggap naman ng publiko.
SA LUNES na ang pagbabalik ng original Queen of Soap Opera ng Kapamilya Network na si Judy Ann Santos via Huwag ka Lang Mawawala na part pala ng old contract ng aktres sa kanyang mother studio.
This time, isa sa mga deal ni Juday sa production team that taping should be done by midnight lalo pa’t dalawa na ang bagets niya na inaalagaan.
“I can start work early para maagang matapos,” sabi niya.
Reyted K
By RK VillaCorta