Mga Benepisyo At Paraan Ng Pag-A-Avail

BILANG PINAKAMALAKING social health insurance program na nangangalaga ng kalusugan ng ating mga miyembro, pinalawak pa namin ang aming serbisyong pangkalusugan. Narito ang ilan sa mga nasabing benepisyo:

 

In-patient – kabilang dito ang bayadsa ospital (kwarto, gamot, laboratoryo, operasyon, mga supplies at kagamitan) at bayad sa doktor sa pagka-confine sa ospital na hindi bababa ng 24 oras.

 

Out-patient – Para sa day surgeries, radiotherapy, hemodialyis, out-patient blood, transfusion; kabilang din sa mga outpatient benefits ay ang Tamang Serbisyo Para sa Kalusugan ng Pamilya (TSeKaP) o ang primary preventive at diagnostic services para sa Indigent, Sponsored, Migrant workers, at Dept. of Education teaching at non-teaching personnel.

 

Z-benefit package (Special benefits for Catastrophic Illnesses) – kinabibilangan ng Acute Lymphocytic / Lymphoblastic Leukemia, Breast cancer, Prostate Cancer, End-stage renal disease na nangangailangan ng kidney transplantation, Coronary Artery Bypass Graft Surgery for Tetralogy of Fallot in Children, Surgery for Ventricular Septal Defect in Children, Cervical Cancer, Z MORPH (Mobility, Orthosis,Rehabilitation, Prosthesis Help) at “Peritoneal Dialysis (PD) First” para sa End-Stage Renal Disease. Kabilang din dito ang mga benepisyo para sa piling orthopaedic implants.

 

MDG related benefit packages – kagaya ng Outpatient Malaria Package, Outpatient HIV-AIDS Package, Outpatient Anti-Tuberculosis Treatment through Directly-Observed Treatment Short-course (DOTS) Package, voluntary Surgical Contraception Procedures, Animal Bite Treatment Package.

Ang PhilHealth benefits ay agarang ibinabawas sa hospital bill bago ma-discharge ng ospital. Gawin lamang ang mga sumusunod:

  • Ipagbigay alam sa admitting staff ng ospital na ikaw ay PhilHealth member;
  • Punan ang PhilHealth Claim Form I. Ito ay mahihingi sa ospital, sa mga tanggapan ng PhilHealth o maaaring ma-download sa www.philhealth.gov.ph;
  • Itsek ang eligibility ng miyembro gamit ang Health Care Provider Portal ng mga ospital. Kung ang ospital ay walang portal o naideklarang may mga kinakailangang dokumento, magsumite ng sipi ng mga sumusunod: updated Member Data Record (MDR), marriage o birth certificate kung dependent ang naospital at hindi nakalista sa MDR, katibayan ng kontribusyon (PhilHealth Official Receipt, Certificate of Premium Payment mula sa PhilHealth kung miyembro ng iGroup at iba pa).
  • Makipag-usap sa doktor hinggil sa kanyang professional fee. Alamin kung naibawas na ang PhilHealth benefits sa kanyang singil. Huwag kalimutang humingi ng resibo kung saan nakatala na naibawas na ang PhilHealth benefits at ang halagang babayaran pa ng miyembro;
  • Lagdaan ang Statement of Account o Billing Statement bilang katunayan na ibinawas na ang benepisyo.

Para maging eligible sa mga benepisyo, kinakailangang may 3 buwang bayad sa loob ng nakaraang 6 na buwan bago maospital. Tiyakin din na ang pasilidad at ang doktor na titingin ay accredited ng PhilHealth.

Para naman sa mga Indigent, Sponsored at OPW members ang availment ay dapat within the validity period na nakasaad sa kanilang MDR.

Dahil sa Case Rates na nga po ang paraan ng pagbabayad ng PhilHealth, nakatakda na ang halaga ng benepisyo sa bawat sakit, kung kaya’t kaagad ay alam na natin kung magkano ang iaawas sa ating bill sa ospital. Tiyaking ito rin ang halagang ibabawas ng ospital mula sa inyong kabuuang bayarin upang kayo ay nakasisigurong napakinabangan ninyo ang inyong pagiging aktibong miyembro ng PhilHealth.

Kung mayroon po kayong katanungan o nais bigyang-linaw, maaari kayong tumawag sa aming action center sa   (02)441-7442 (office hours lamang po) o kaya ay mag-email sa [email protected]

Lagi po nating tatandaan, sa Alagang PhilHealth, kayo ang Number 1!

Alagang PhilHealth

Dr. Israel Francis A. Pargas

Previous articleUberific Uber
Next articleCover Page Story

No posts to display