KILALA ANG Pilipinas sa may mahabang selebrasyon ng Pasko, kung saan pagkapasok pa lamang ng buwan ng Setyembre ay kabi-kabila na ang mga ginagawang tradisyon o iba’t ibang bagay na tungkol sa Pasko, gaya ng pagpapatugtog ng mga Chrstimas song, mga nagsasabit na ng mga parol at nagtatayo ng mga Christmas tree sa kani-kanilang bahay. Hindi rin mawawala ang mga tradisyon tuwing Pasko, tulad ng Festival of Lights o Christmas lighting at village display sa iba’t ibang lungsod.
Ang Festival of Lights sa Ayala Triangle ay isa sa mga may magagandang Christmas lighting at sound display sa Pilipinas. Ito ay pinupuntahan ng maraming Pinoy dahil sa napakaganda nga naman kasi na mga libu-libong nagniningning at napakakulay na mga Christmas light at magagandang tugtuging Christmas carol. Itong Christmas display na ito ay magtatagal hanggang Enero.
Sa Tarlac naman ay gumawa na ng mga exhibition of Nativity scenes na life size na mga Belen. Ang Tarlac ay binansagang “The Belen Capital of the Philippines” at nag-display na sila ng iba’t ibang Belen na kay ganda at lalo tayong mapapamangha dahil hindi lang ito maganda, ang mga life-size Belen nila ay gawa sa mga recycle na bagay. Napakamalikhain talaga nating mga Pinoy kaya tara at puntahan ang Belenisimo sa Tarlac City.
Sa Baguio City naman ay binuksan din ang Frozen inspired center piece o Christmas village nila. Mala-Frozen ang tema ng White Chrstimas nila. Tamang-tama ang tema dahil nga naman sa napakalamig na temperature nila roon at kasabay no’n ay maagang Pamasko para sa mga bata sa pamamagitan ng pagbibigay ng regalo sa kanila.
Sa Cauayan, Isabela City naman ay inilunsad din ang Christmas lighting ng kanilang Giant Christmas Tree at kung saan pormal na inanunsyo ang proyekto ng isang mall doon ang “Bears for Joy” para sa masayang Pasko ng mga batang lansangan. Sa Davao naman ay agaw-pansin ang magandang Lego Christmas village at ang 57 foot Christmas tree at sa pagbukas nila nito ay maaga ring nakatanggap ang mga bata ng mga regalo.
Sa Malinao, Albay naman ay mayroong mga naggagandahang Christmas Village. Dito ay makikita ang mga lighted replicas ng mga magagandang lugar sa iba’t ibang bansa tulad ng Eiffel Tower sa Paris, Taj Mahal sa India, Statue of Liberty sa New York at marami pang iba. Itong Christmas display nila na ito ay tatagal hanggang feast of the Three Kings sa Enero 2015.
Sa Tangub City, Misamis Occidental naman ay sa buong buwan ng Disyembre ay ipinagdiriwang nila ang Festive Yuletide spirit sa paraan ng pag-display ng mga giant parol o lantern, at iba-iba pa. Ang event nilang ito ay nagsimula noong 1992 pa mula nang nailawan ang unang Christmas Tree doon. Sa Taong 2000, Ang Tangub city ay binansagan ng Department of Tourism na “Christmas Symbols Capital of Philippines”.
Napakaganda, napakasaya, at napakakulay nga naman talaga ng ating pagdiriwang ng ating Pasko kaya tara, puntahan natin ang mga Christmas Display na ito o simpleng attraction sa mga iba’t ibang lugar.
Usapang Bagets
By Ralph Tulfo