NAKARAANG TAON pa lamang, usap-usapan na ang APEC na magaganap ngayong taon sa buwan ng Nobyembre. Hindi ‘yan nawawala sa mga balita mapa-dyaryo man, TV, radyo o online news, laging trending ‘yan. Ngayon pa lang, alamin n’yo na ang mga dapat n’yong malaman.
Una, siyempre, dapat alam n’yo kung ano ang ibig sabihin ng APEC. Baka mamaya nakiki-APEC kayo, pero kahit acronym hindi n’yo alam ibig sabihin. Ang APEC o Asia Pacific Economic Cooperation ay isang economic leaders meeting kung saan magtitipon-tipon ang mga high profile leaders, officials, businessmen, at industry experts mula sa 21 bansa. Ang magaganap dito ay forum na mag-promote ng malayang kalakalan sa buong Asia Pacific region. Ito ay itinalaga noong 1989 dahil sa ‘growing interdependence’ ng Asia Pacific economies. Ito rin ay isinagawa para matanggal ang pangamba na ang bansang highly industrialised na Japan ay magdo-dominate sa economic activity sa Asya. At siyempre, ang APEC din ay may layunin na makapagbigay-daan upang makagawa ng bagong market para sa agricultural products at raw materials hindi lang sa Asya kundi pati sa mga karatig-bansa na nasa ibang kontinente gaya ng Europa.
Pangalawa, magaganap ang APEC Summit sa ika-18 at ika-19 ng Nobyembre. Pero, dapat n’yong malamang ang mga special holidays na idineklara ng gobyerno para rito. Ang Nobyembre 18 at 19 ay idineklara bilang special non-working days sa National Capital Region. Kaya para sa mga litung-lito d’yan na nagtatrabaho sa mga pampribadong sektor, walang pasok po! Para naman sa mga nasa pampublikong sector at mag-aaral, wala kayong pasok mula ika-17 hanggang ika-20 ng Nobyembre.
Pangatlo, may mangyayaring Stop and Go Scheme. O, ‘di ba parang laro lang ito na Stop Dance sa mga birthday parties. Kailangang habaan ang inyong pasensya, bawal mapikon kung maiipit sa tila ba non-moving traffic. Kasi dapat maging handa kayo. Basta kung sinumang kalahok sa APEC na dadaan sa kalsada, ang mga motorista ay patitigilin para magbigay daan sa kanila. Ito ay ipatutupad simula Nobyembre 15 hanggang 20 sa mga kalsada ng EDSA, Roxas Boulevard, Skyway, SLEX, at siyempre sa paligid ng NAIA. At take note, walang suspensyon ng number schemes na magaganap. Kaya may coding pa rin! Sabihan na sila mommy, daddy, tito, at tita, mga bagets.
Pang-apat, kung may stop and go scheme, may rerouting schemes din na magaganap. May lanes sa EDSA at Roxas Boulevard na para lang sa mga APEC officials. Ang inner lanes ng EDSA ay passable lang para sa mga APEC vehicles mula Nobyembre 16 hanggang 20. At dapat n’yo ring malaman na may mga isasarang streets sa Pasay at ito ang mga sumusunod: Bukaneg Street, Vicente Sotto Street, Buendia Avenue Extension, M. Jalandoni Street, at J.W. Diokno Boulevard Bridge. At siyempre, mas mainam kung planuhin n’yong maigi ang inyong lakad lalo na kung magagawi sa Pasay. I-research ang mga best alteranate routes na p’wede ninyong daanan para hindi maabala sa APEC traffic.
Usapang Bagets
By Ralph Tulfo