Mga Dorobo sa C-5

0949681xxxx – Sir Raffy Tulfo, isusumbong ko po ang talamak na nakawan dito sa lugar ng C-5, Taguig. Kapag po traffic sa lugar na ito, siguradong labasan na ang mga kawatan sa lugar na ito. Parang mga unggoy na nag-aakyatan sa mga malalaking truck ang mga dorobong ito. Napakaimposible naman po na hindi makita ng mga pulis na nakadestino sa lugar na ito dahil ako po mismo ang kumuha sa atensiyon ng pulis para mahuli niya ang mga magnanakaw. Pero imbis na puntahan at hulihin, sinulyapan lang at balik sa kanyang puwesto. Tama po ba itong ginagawa nilang pangungunsinti o baka nakikinabang sila?

0999674xxxx – Mr. Tulfo, nais ko pong isangguni sa inyo at ihingi ng tulong ang aking kapatid na babae. Ang aking pong kapatid ay kinulong sa kasalanan na hindi niya ginawa. Siya po ay hindi pinalabas sa kulungan ng tatlong araw. Siya po ay hinuli ng mga pulis na walang Warrant of Arrest at wala rin pong complainant. Nakikiusap po kami sa mga pulis na kung ano man po ang kanilang ebidensiya sa aking kapatid ay ilabas nila. Wala po silang mailabas na kahit anong ebidensiya o complainant . Sana po ay matulungan ninyo kami sa aming problema. Maraming salamat po.

0946393xxxx – Boss Raffy, isa po akong concerned citizen. Gusto ko lang pong ipaalam sa inyo na mayroong ginagawang drainage system dito sa tapat ng Feati University sa Sta. Cruz, Manila. Malabo po itong matapos sa dahilang ninanakaw ng mga paslit ang mga bakal na gagamitin sa proyektong ito. At kaming mga motorista ang nagsasakripisyo dahil araw-araw ay mabigat ang trapiko sa lugar na ito. Sana po ay maipahatid ninyo ang problemang ito kay Mayor Lim. Salamat po.

0929604xxxx – Mr. Action Man, maaari po ba ninyong aksyunan ang aming problema rito sa Ilocos Sur. Mayroon pong abusadong pulis dito na tuwing nalalasing ay nanunutok ng baril. Mayroon pa nga pong insidente na isang dayong binata ang kanyang napagtripan at pinagsayaw niya ito habang pinapaputukan ng baril. Napakarami na pong pang-aabuso ang ginagawa ng pulis na ito. Wala pong magkalakas ng loob na isuplong ang taong ito dahil natatakot. Magaling pong mambaligtad ng sitwasyon ang pulis na ito. Sana po ay matapos na ang kasamaan at pagmamalabis niya sa kanyang kapwa. Sir, tulungan po ninyo kami. More power po sa inyong show.

0999317xxxx – Boss Idol, ang aming pong kagawad na si Jerome F. Amper ng Barangay 148 Zone 13 District 2, Gagalangin, Tondo, Maynila ay mayroong ilegal na ginagawa. Mayroon po siyang video karera, video games at pisonet computers. Ang mga inosente at menor de edad na bata ay pinapapasok kahit na alam nila na bawal ito. Ang gusto lamang niya ay kumita ng pera porke masira ang mga kinabukasan ng mga batang ito. Hindi siya magandang halimbawa sa aming lugar. Tulungan po ninyo kaming sugpuin ito.

0933450xxxx – Mr. Raffy, ipapaalam ko lang po ang mga katiwalian na ginagawa ng mga pulis dito sa Cubao, Quezon City. Ang ES Transit ay isang terminal ng bus dito sa Cubao na mga galing probinsiya na binibiktima ng mga kotongerong pulis. Bumababa ang mga konduktor ng bus at nag-aabot ng 20 pesos sa mga pulis. Ito po ay nangyayari tuwing alas-kuwatro ng madaling-araw. Ang isa sa mga pulis na ito ay may apelyidong Duardo.

Kung kayo ay may mga sumbong na nais ninyong iparating sa inyong lingkod itawag sa ITIMBRE MO KAY TULFO (IMKT) sa 0908-87-TULFO. Ang IMKT ay isang segment ng Balitaang Tapat na mapapanood sa TV5, Lunes hanggang Biyernes, 11:30-12:15. Maaari ring kayong tumawag sa WANTED SA RADYO (WSR) sa 0917-87-WANTED. Ang WSR ay mapapakinggan sa 92.3FM, Radyo5, Lunes hanggang Biyernes 2-4 pm.

Shooting Range
Raffy Tulfo

Previous articleKubeta Mentality
Next articleHunk actor, nakulong sa las vegas dahil sa pakikipagsuntukan?!

No posts to display