ISISI BA sa social media kung bakit nagugulo ang lovelife ng controversial couple na sina Pia Wurtzbach at Marlon Stockinger?
Para kasi ang social media pa ang nang-iintriga sa dalawa para ang dating masayang relasyon at pagsasama ng dalawa ay naiintriga at nalalagay sa alanganin na kung mahina ang pondasyon ng relasyon n’yo ay baka mauwi pa sa hiwalayan.
Ang latest tsika, split na daw ang dalawa ayon sa trending tsismis na kumakalat reason kung bakit hinintuan na ng dalawa ang mag-share ng kanilang mga kuwento ng pag-ibig sa kani-kanilang social media accounts.
Hiwalay na ba ng dalawa lalo pa’t si Marlon ay inun-follow ang dalaga sa kanyang Instagram account?
“People just talk about that. That’s just tsismis,” panigurado ng international car racer.
“We’re good. Everything’s fine,” dagdag ni Marlon sa recent interview sa kanya.
Mutual decision nila ni Pia na mas magiging masaya sila kung maging private na lang ang relasyon nila (na sila naman nang nagse-share di ba?).
Kuwento ni Marlon: “We just realized, you know, what matters is the two of us in the end. Behind closed doors. We don’t always have to show that or share that either,” dagdagni Marlon.
Pero kumusta na kaya ang isyu tungkol sa isyu nun na may anak na daw si Marlon na naging isang malaking sunog nun na nakaapekto sa relasyon nila ni Pia?
” Never, no. If you love someone, they love you back. That doesn’t change things.
“I really appreciate her for that. She’s been supportive and I just dealt with it privately with her.”
Funny sina Marlon at Pia. Why blame social media sa mga tsismis the fact that silang dalawa naman ang nags-share ng mgam photos at “hugot” nila reason para makisawsaw ang publiko sa personal nilang buhay? .
Best way para walang makisawsaw, do not share your private moments the fact it’s always your option to be private or not.
Sa totoo lang, ang realidad ay nae-enjoy nila ang current celebrity status nila. Mga etchosera!
KAPAG isang Sarah Geronimo starrer ang isang pelikula, expected na kumikita ito sa takilya. Wala ako maalala na sumemplang kahit isa man sa mga pelikula ng Pop Princess mula nang pasukin niya ang showbiz sa larangan ng pag-arte.
No doubt, as a singer, palaging mayroon siyang hit song. Sa pelikula,...
MADAMI ang nagulat na sa edad ni Piolo Pascual na in 10 years time, he is turning 60 years old. Pero ang pangangatawan ng aktor ay very fit at hunk pa rin na perfect lang na siya ang patuloy na endorser ng Sun Life para sa kanilang SunPIOLOGY sporting...
IS IT TRUE na may personalan na isyu sa pagitan ng dalawang production outfit na nangangarap na ang pelikula nila ay mapasama sa final list ng pelikula sa Metro Manila Film Festival 2019?
Ang tinutukoy ko ay ang pelikulang ‘Culion’ na nagpaandar na ng kanilang “comeback movie” diumano ni John...
NAGSIMULA NA last October 3, Thursday ang Busan International Film Festival and Asian Film Market sa Busan, South Korea na magtatagal until October 12.
Kaya nakaka-proud na ang mga local films natin ay dala-dala ng mga local producers and actors natin sa isa sa pinaka-sikat na film industry event sa...
SUPER LIKE ko ang short hair ni Ria Atayde. Palagi ko kasi siya nakikita na kung hindi shoulder length ang buhok niya, mas mahaba pa below her balikat.
Mas bumata si Ria. Mas refreshing. Bagay na bagay sa dalaga na until now, she doesn’t want to confirm nor deny ang...
NAG-VIRAL ang balita na balik-pelikula muli si John Lloyd Cruz after nito mag-pahinga sandali sa showbiz. Syempre, ang mga fans ng aktor ay excited.
Maging ako, nang makita ko sa social media last night, Monday September 30 ang picture ng aktor na screen grab mula sa isang eksena ng pelikula...
MAY RAP MUSIC pa pala. Kaya nga nang malaman ko na ang rap artist na si Khen Magat ay seryoso na buhayin muli ang klase ng musika or genre na pinasikat nina Francis Magalona at Andrew E ay natuwa ako.
Mayroon ilan kasi na mga local rapper(s) na gusto ko...
YES, nakakahawa ang halakhak ng guwapong si Manolo Pedrosa sa picture niya sa social media.
Yong tawa na alam mo na masayang masaya ang young aktor lalo pa’t keber at wala siyang pakialam sa sasabihin ng mga netizens na sa tawa niya, kita ang ngala-ngala niya.
Kapag masaya ka, wala ka...
BONGGA ang nine million views na na-achieve ng pelikulang Ang Henerasyong Sumuko sa Love ni Direk Jason Paul Laxamana na ipapakabas na sa darating na Wednesday, October 2 sa mga sinehan nationwide.
Ang bilis ng pagtaas ng mga views mula nang i-upload ng Regal Films ang teailer ng pelikula na...