OLA CHIKKA NOW na!!! Oh, no… oh, yes… now na!!! Yes na yes to the maximum authority of chikka ng nag-iisang yours truly at pinaniniwalaan, dahil nagsasabi lang po ako ng totoo. Thanks God it’s Friday at siyempre, ‘pag Friday, talagang ra-ratsada heneral na naman po ako, at lilipad na naman ako patungong Pinoy Parazzi Live!!!
Ayan, siyempre panoorin lang po n’yo ako sa online streaming dahil usung-uso na talaga ang online streaming ngayon, lalung-lalo na ang usapang chismisan. I-click lang po ang flippish.com/pinoy parazzi live. Kasama ko ang aking co-host na No.1 DJ at napakagandang si Kristine Dera…
Ayan simulan na natin ang chismisan at talaga namang mawiwindang ka at siyempre, ako pa rin ang pinagkakatiwalaan ng mga fans ng karamihan. Dahil ‘eto na nga ang mga nakakarating sa ‘kin at nabasa nga nila sa ‘king sinulat ang tungkol kay Nora Aunor.
Nagrereklamo raw ang mga fans ni Nora sa pamamahala nina Cristy Lucyfermin, dahil may Fans Day nga si Nora at ang isyu rito sa pinost ni Albert Sunga, may kailangan pang pumila sa Broadway Centrum. Ano ba ‘yan? Pinahihirapan naman nila ang mga fans!
Kaya nanawagan ang mga karamihan na pumunta raw ngayong Friday sa taping ni Kuya Germs sa Walang Tulugan, at magkita-kita raw sa harapan, 4pm daw ang kitaan.
At si Albert Sunga raw mismo, lagi raw nakatanghod du’n sa hotel ni Nora, kasama pa ang isang namamahala lalo na sa mga project ni Nora, pati sa mga fans ni Nora eh, mga nagpapanggap lang naman sila at marami talaga ang nagagalit sa kanila na kung bakit sila pa ang namamahala.
Kaya sabi ng mga karamihan na sana, makarating ito kay Kuya Germs. Dahil alam ng karamihan na si Kuya Germs lang ang nagpapakatotoo d’yan!
Heto lang ang masa-sabi ko sa mga fans, alisin na lang ang galit at putok sa dibdib, wala ta-yong magagawa kasi ang mga ‘yan, nasa TV5. Kaya trabaho lang, walang personalan. Sana maunawaan na rin ng mga fans ‘yan. At isa pa, hindi uubra kay Kuya Germs ang mga kalokohan nila.
AT HETO PA ang isang chikka na galing din sa TV5. Talaga namang si Aga Muhlach ay bongga nga rin ang talent fee sa TV5. Akalain mo, P400 milyon din ang talent fee n’ya! Naku, bongga naman!
Ang nakakawindang lang dito, bakit kai-langan pa nilang i-broadcast sa madlang pipol kung magkano ang mga talent fee nila? Eh, parang ang mga pinalalabas lang nila dito ay halos karamihan ng mga lumilipat sa kanila ay mukhang That’s Entertainment, na it means, mukha silang datung.
Kaya kung ako sa inyo, ‘wag n’yo na lang ibino-broadcast ‘yan. Talagang pera-pera ang labanan. Pero may mga artista pa rin na hindi nila kayang tapatan. Kahit magkano pa ang i-offer n’yo, hindi pa rin sila umaalis kung saan man sila nagmula! ‘Di ba?
Ayan para sa more chikka more fun ay makinig na lang kayo sa programa ko, Lunes-Biyernes sa ganap na 11:30-12:00 ng tanghali sa DWSS 1494 KHZ at every sunday sa DZRH TV, 2:30-3:30 ng hapon… Badjaooo!!!
Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding