NAMAYAGPAG ANG MGA nagsipagwagi sa ika-7 Cinemalaya Independent Film Festival awards night noong July 24 sa Main Theater ng CCP. Karamihan sa mga nag-uwi ng tropeo eh, mga stage actors at actresses na fi rst time na manalo sa taunang festival kaya sila ang nagging bida sa gabing ‘yun tulad nina Bembol Roco, Best Actor for Isda; Racquel Villavicencio, Best Actress for Bisperas; Jaime Pebangco, Best Supporting Actor for Patikul; at Julia Clarete, Best Supporting Actress for Bisperas para sa Directors Showcase category. Ang mga nagwagi para naman sa mga entries na kabilang sa New Breed Full-length Feature Films category ay sina Shamaine Buencamino, Best Supporting Actress for Niño; Art Acuña, Best
Supporting Actor for Niño; at Edgar Allan Guzman, Best Actor for sex-comedy fi lm Ligo Na U, Lapit Na
Me sa nakatutuwa niyang karakter bilang si Intoy. Big winner ang Ang Babae sa Septic Tank para sa
New Breed. Hinakot ng pelikula ang 5 Balanghay trophies kabilang ang Best Film, Best Director (Marlon Rivera), Best Screenplay (Chris Martinez), Audience Choice Award, at Best Actress for Eugene Domingo na deserving na manalo sa malabakulaw n’yang performance, he-he! Pumangalawa ang Niño na nanalo ng 4 awards kabilang ang Special Jury Prize at Best Production Design. Sa Directors Showcase, nanguna ang pelikulang Bisperas ni Jeffrey Jeturian na nakakuha rin ng 5 trophies including Best Film, Best Cinematography at Best Production Design. Nasungkit ni Auraeus Solito ang Best Director for Busong.
Sa Short Feature Film category, napunta sa Walang Katapusang Kuwarto ang Best Film at Best Screenplay for Emerson Reyes, who also directed the fi lm. Kinilala rin si Rommel Tolentino as Best Director for Niño Bonito at naiuwi ng Hanap Buhay ang Special Jury Prize. Napagdesisyunan ng mga
hurado na walang manalo sa Best Feature at Best Screenplay ngayong taon sa Directors’ Showcase
category. ‘Yun na!
Photos by Mark Atienza & Luz Candaba
By MK Caguingin
Premiere Shots
Pinoy Parazzi News Service