Mga illegal collector at ang calamity sa Masbate

MATINIK DIN TALAGA itong mga taga-kolekta sa mga iligal na sugalan, putahan at iba pang iligal na gawain sa Metro Manila.

Nagpapakilalang sila raw ang otorisadong magkolekta ng para sa DILG, CIDG at PNP-NCR (Bicutan).

Sa DILG, si Lito Miranda, alyas Bombay Guerra sa CIDG at P03 Aguas naman ang sa Bicutan.

Tsk, tsk, tsk, ganito na nga yata, parekoy, ang kalakaran sa “matuwid na daan” na inihanda ni P-Noy!

Alam kaya ito nina Sec. Jesse Robredo at PNP Chief Dir. Gen. Raul Bacalzo?

Kapag personal nating itinawag ito sa kanila, malalaman natin, parekoy, kung may basbas nga mula sa itaas…

Depende sa kanilang aksiyon!

KAUGNAY SA NAGDAANG bagyong si Chedeng, kaagad na naghanda ang lalawigan ng Masbate.

Gaya ng Albay at iba pang lalawigan sa Bicol Region, gusto ni Masbate Governor Rizalina Lanete na maibsan ang posibleng epekto ni Chedeng sa Masbate.

Katunayan, ayon sa ating “tawiwit”, humingi si Lanete sa Provincial Board ng karagdagang P37-M upang magamit dahil masyado raw maliit ang kasalukuyang calamity fund ng Masbate.

Ok naman sana, parekoy, ang ganitong hakbang, lalo na’t isang resolution lang naman ang kaila-ngan na mag-reallign ng nasabing pondo.

Isa pa, marangal naman ang layunin dahil para ito sa mga posibleng biktima ni Chedeng.

Ayon sa ating “tawiwit”, ang pakikipagpulong ni Lanete sa mga Board Member ay isinagawa sa isang restaurant sa Boulevard, Ibingay, Masbate City.

Nagkaroon lang ng kaunting duda ang ating “tawiwit” dahil nag-walk-out daw ang magiting na mga onorabol ng Provincial Board.

Aha! Totoo kaya, parekoy, na pinangakuan daw ni Gob ng halagang P2-M ang para sa buong Board?

Kung totoong may ganito ngang pangako, bakit nag-walk-out?

Ayon sa ating “tawiwit”, maliit daw ang P2-M para sa kanila!

Ha?! Akala ko ba para sa bagyong si Chedeng?

Tsk, tsk, tsk, dapat sigurong linawin ang isyung ito… dahil kung totoo ang intensyon, ito’y para rin sa taumbayan.

Ang masaklap lang kung may iba pang hangarin!

‘Di ba, pareng Marlon?

INAANYAYAHAN ko po kayo na makinig sa aking radio program na ALARMA KINSE TRENTA, Lunes-Biyernes, 6-7 am sa DZME o kaya ay mag-log-on sa www.dzme1530.com o mag-e-mail sa [email protected]  o mag-text sa 09152121303.

Target
ni June Briones
[email protected]
09152121303

Previous articleAmaya Presscon
Next articleCoco Martin is courting Mercedes Cabral?!

No posts to display