SINO ANG makalilimot sa mga Disney movie tulad ng Toy Story, The Incredibles, Cars, Finding Nemo, at Monsters Inc.? Ilan lamang ‘yan sa mga napanood natin at marami pang ibang movies, na talaga naman na mula pagkabata pa lang natin ay napanood na natin ang mga magagandang animated films na ito na nagdala ng saya sa ating pagkabata at ‘di lang sa mga bata, kundi pati sa mga matatanda.
Good news mga bata, at pati na sa mga kid at heart. Dahil kung ang Monsters. Inc. na pinalabas noong 2001 ay ginawan ng sequel na Monsters University noong 2013, kung saan ipinakita mula pagkabata pa lang ay gustung-gusto nang makapasok ni Mike Wazowski sa Monsters Inc. at ipinakita rin kung paano sila nagkakilala ni James P. Sullivan o Sally.
Napakaganda nga naman ng pagkagawa ng sequel ng Monsters, Inc. Pero alam mo ba na bukod pa rito, brace yourselves dahil paparating pa ang mga movies na gagawan ng sequel na muling matutuwa ang mga bata, matatanda, o kid at heart kung ituring, ito ang mga sequel na Toy Story 4, The Incredibles 2, Cars 3, at Finding Dory. Oo, kaibigan, tama ang nabasa mo, muli silang gagawan ng panibagong sequel, panibagong kuwento na papatok talaga sa mga bata.
Pinag-usapan ang nasabing mga sequel na ito kung totoo ba o haka-haka lang. Pero ang mga nasabing gagawan ng sequel ay totoong mangyayari dahil sa Disney D23 Expo 2015, kung saan ay nire-reveal din nila ang mga sequel, o mga bagong movies na dapat abangan, at ang Poster ng The Incredibles 2, Toy Story 4, Cars 3, Finding Dory ay naka-post sa Expo na nagbigay excitement sa mga tao.
Ang Finding Dory ay nakatakdang ipalabas sa summer ng taon 2016, ito ang sequel ng 2003 movie na Finding Nemo. Naaalala n’yo pa ba si Dory? Ang tumulong at naging kaibigan ni Marlin, ang ama ni Nemo, sa adventure niya sa paghahanap sa kanyang anak na si Nemo. Pero this time, si Dory naman ang nawawala, nasaan kaya si Dory? Abangan natin ang movie na ito sa darating na 2016.
Ang Toy Story naman, matapos ang matagumpay na trilogy movies, ay magbabalik para sa Toy Story 4, kung saan ang kuwento ay tungkol sa love story at muling pagkikita nila Woody at Bo Peep.
Siguradong marami ang matutuwa sa sequel na ito dahil marami ang naantig mula simula pa lang ng kuwento. Kung ating matatandaan, ang Toy Story ay ipinalabas noong 1995, at ang Toy Story 2 naman ay noong 1999, ang pangatlong kwento naman ay noong 2010, at sa darating 2017, Ang Toy Story 4 ay magbabalik para muling magbigay saya.
Ang Cars naman at The Incredibles 2 ay wala pang nasabing release date, pero huwag tayong mag-alala dahil sigurado ang pagpapalabas ng mga sequel na ito.
Talaga nga naman ang lakas maka-throwback ng mga ibang movies dahil ang iba rito ay mula pagkabata pa lang ay ating nasaksihan ang napakagandang animated films ng Disney. Iba’t ibang kwento, iba’t ibang karakter, pero iisa ang intensyon, ang magbigay ng saya sa ating mga manonood.
Usapang Bagets
By Ralph Tulfo