BY NOW, NAILABAS na o ilalabas pa lang ng isang media outlet ang umano’y tinuran ni Dr. Vicki Belo na sa gitna ng kanyang kinakaharap na kaso, nasa panig niya ang entertainment press “dahil nababayaran naman ang mga ito.”
Gusto kong bigyan ng benefit of the doubt ang pamosong cosmetic surgeon, kundi man mas lamang ang “benefit” kesa “doubt.” Para sa tulad ni Vicki na nakuha nga niyang bilhin ang pag-ibig ni Hayden Kho by lavishing him with expensive gifts and trips, hindi na pinagdedebatehan pa ang kanyang pinansiyal na katayuan sa lipunan.
Pero ayaw ko yatang maniwalang hindi kailanman matutuyuan ang ga-balon niyang pinagkukunan ng kabuhayan, hindi niya para menosin ang ibang sektor tulad ng mga mamamahayag sa mundo ng aliwan kapag kalansing na ng pera ang pinag-uusapan.
Huwag na ring magpakaipokrito ang hanay natin: nanunuot na ang sistemang “envelopmental journalism.” And we go by the practice. In our elementary days, “symbiosis” ang tawag dito: pare-pareho tayong nakikinabang sa isa’t isa in this game called existence.
But in this world to exist, may mga bagay na hindi natatapatan ng pera, hindi nababayaran at lalong hindi ikinokompromiso ang prinsipyong pinaniniwalaan.
Sana nga’y tsismis lang ang tinurang ‘yon ni Vicki na pera-pera lang ang katumbas ng pangangalap niya ng kakampi sa kaso laban kay Katrina Halili, otherwise, mas malaki ang kanyang pananagutan sa umano’y sabi nga niyang “for sale” na press. Isa hanggang tatlong item lang kasi ang maaari niyang bilhin, hindi ang buong panulat ng reporter, lalong hindi ang paninindigan nito.
NAKU, ENOUGH NA muna sa mga reporter na umano’y puwedeng i-corrupt nang walang kakurap-kurap ni Vicki Belo, here’s one program na literal na mag-iiwan ng masarap na panlasa sa inyong bibig.
Tuklasin ang pinakabagong food trends sa larangan ng pagluluto sa bago ring late-night show sa TV 5, ang How ‘Bout My Place Tonight hosted by Chef Fernando Aracama at chef John Cu-Unjieng. Panauhin nila si Ryan Agoncillo at Makati Shangri-la chef Carl Heinz mamayang 11:30 ng gabi.
Hamon na rin ito sa gastronomical skills ni Ryan bilang mister ni Judy Ann Santos now that they’re a married couple. Hindi lang naman kasi “luto” ng diyos ang dapat niyang alam gawin, ‘no!
Read Ronnie Carrasco’s Blind Item: Biyenang hilaw, galit pa rin sa ex-bf ng sexy actress
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III