Magaganda ang reviews mula sa mga kaibigang nakapanood na ng mga pelikulang kalahok sa 2016 MMFF na nagsimula nang mapanood ng publiko nitong Linggo, December 25.
Wala mang press preview ang pelikulang “Die Beautiful” ni Paolo Ballesteros, maganda naman ang mga papuri ng iba’t ibang international film festivals na sinalihan ng pelikula. Bukod sa Tokyo Internation Film Festival, kung saan waging-wagi ang aktor at ang pelikula, pinuri rin siya kamakailan sa isang film festival sa India.
Laugh trip naman daw ang pelikula ni Eugene Domingo na “Ang Babae sa Septic Tank 2” na may sorpresa raw sa huling eksena ng pelikula ang komedyante.
Ang “Seklusyon” ni Direk Erik Matti, ang nag-iisang horror movie ay iba rin daw ang paandar na nagkaroon ng premiere night last Thursday evening, kung saan dumalo pa si Mother Lily Monteverde para suportahan ang anak na si Dondon Monteverde na producer ng Reality Entertainment.
Super rave ang mga nakapanood na ng “Saving Sally” na pinaghalong animation at mga totoong tao.
Ang pelikula ni Irma Adlawan na “Oro” ay isang environmental advocacy film tungkol sa masaker ng apat na minero sa isang maliit na bayan sa Caramoan, Camsur. Ayon sa mga nakapanood, magaling ang mga tagasuporta ng aktres tulad nina Joem Bascon, Sandino Martin, at Biboy Ramirez.
Interesting ang “Sunday Beauty Queen” sa amin nang mapanood namin ang trailer about the plight of our kababayan DH in Hong Kong na sa trailer ay pasok sa panlasa ko. Tipong documentary ito na “real people” ang mga gumaganap.
Siyempre, gustong panoorin ng publiko ang mga bagong cuties like ang “Kilig King” na si Ronnie Alonte at Joshua Garcia with Julia Barretto sa “Vince&Kath&James” ni Direk Teodoro Boborol para sa Star Cinema na Graded A ng Cinema Evaluation Board (CEB). I’m sure hindi ka magsasayang ng pera at aliw ka pa sa mga bagets na tungkol sa istilo ng ligawan ng millennials na ang diskarte ay dinaraan sa pagte-text hanggang sa mag-eyeball (read: meet-up) para magkakila in person at kung saan man hahantong ang “romance” nila ay bahala na si Batman.
Nagtataka lang ako kung bakit hindi nakakuha ng Graded A or B man lang ang pelikula nina Nora Aunor at Ricky Davao na “Kabisera”. Pangit ba? Wala akong nababasa kung ano ang estado ng pelikula niya.
Sa ginanap na Parada ng mga Artista, awrang-awra si Paolo Ballesteros sa outfit niya na flesh-tone na beaded na parang bodysuit with matching ostrich feater headdress.
Beking-beki at tarush ang beks sa eksena niya.
Reyted K
By RK VillaCorta