SA ISANG seminar na nadaluhan ko, sabi po ng speaker ay may babayaran pa po kaming mandatory insurance liban pa po sa babayaran namin sa OWWA. Ano po ba ‘yun? At puwede po bang malaman kung meron pa pong ibang singilin ang gob-yerno para po mapaghandaan ko ang mga gastusin? — Eddie M. ng Bacoor, Cavite
MARAMI KA pang babayaran. At ang mga bayaring ito ay hiwalay pa sa babayaran mong placement fee, documentation, medical at kung anu-ano pa. Sa dami ng mga bayarin, hindi ito magkakasya sa isang installment lang ng kolum ko. Pero nais kong talakayin muna ang sinasabi mong bayarin sa OWWA at sa mandatory insurance.
Sa OWWA, may babayaran kang $25. Ito ay taunan mong babayaran dahil mandatory (sapi-litan) ang membership sa OWWA. Para saan daw ito? Diumano, ito ay para ipangtulong sa mga distressed o problemadong mga OFW.
Ang Migrants Workers Act o ang amended Republic Act 10022 ay nagtatadhana naman ng mandatory health insurance. Ito ay para naman daw masakop ng insurance at may
ipambayad sa mga OFW na dumaranas ng injury dahil sa aksidente, pagmaltrato o abusong pisikal.
LIBRENG PAYO SA OFW! I-TEXT N’YO AT SASAGUTIN KO! PM <space> saklolaw <space> ang inyong katanungan at i-send sa 2948 (for Globe, Smart and Sun users). E-mail: [email protected]
Ayuda sa OFW
By Ome Candazo