MULA SA pagsampa sa mga barko at pagtatrabaho sa iba’t ibang international cruise lines, ngayon naman ay isa ng recording artist si Captain Peter o mas kilala bilang si Pitz Beriña, ang tinaguriang Singing Captain.
Sa kauna-unahang pagkakataon ay ipaparinig sa atin ni Beriña ang kanyang awitin na may pamagat na “Kita Ay Mahal.” Mula ito sa malikhaing komposisyon at areglo ni Vehnee Saturno kaya naman ipinagmamalaki ni Beriña ang kanyang kanta kung saan patungkol sa wagas na pagmamahal ang nilalaman nito.
Bukod diyan ay may anim pang orihinal na kanta ang album ni Beriña at pitong cover songs na lahat ay Original Pilipino Music. Kasalukuyang naririnig na din aa inyong mga paboritong radio stations ang ni-revive niyang kanta na “Muli,” mula sa orihinal na awitin ni Rodel Naval.
Nais ni Beriña na maging inspirasyon hindi lamang sa kanyang kapwa seafarers kundi maging sa lahat na abutin lang ang kanilang mga pangarap — maski na anumang kulay, edad o eatado pa man yan ng buhay.
Sa ngayon ay puspusan ang ginagawang pagpo-promote ni Beriña sa kanyang mga kanta. Nagbabalak din daw siya na pasukin ang pagkakaroon ng kanyang own media production at talent agency sa layon pa rin niyang makatulong sa iba na may mga natatagong talento sa pag-awit, pag-arte o pagsayaw.
Nais din daw niyang maging bahagi ang kanyang kanta sa ibat ibang teleserye na ating napapanood dito sa atin.
Isa ring businessman si Beriña. May mabuti rin siyang puso na handang tumulong sa mga nangangailangan.