0930804xxxx – Sir, gusto ko lang po i-report iyong Compac 2 sa Muntinlupa dahil may mga kotongerong pulis na naman na nanghaharang ng mga naka-motor. Nagsasagawa sila ng checkpoint na wala namang sign na nakalagay na checkpoint. At saka paiba-iba sila ng puwestong tinatambayan para makapangharang. Sana po ay masibak na nang tuluyan ang mga lokong pulis na ito.
0927400xxxx – Sir Raffy, ako po ay isang concerned citizen ng Muntinlupa, nais ko lamang na ipaalam ang presence ng isang traffic enforcer sa Poblacion, Muntinlupa na hindi naka-uniform at ni walang suot na identification. Kahina-hinala po kasi, mag-iisang taon na po siyang namamalagi sa kahabaan ng Rizal Street at sa harap ng isang bakeshop. Ang taong ito ay madalas na naka-jacket, rubber shoes at cap. Madalas siyang kasama ng mga traffic aides, minsan naman ay solo flight siyang naninita ng mga motorista.
0910373xxxx – Idol Raffy, ire-report ko lang po ang ginagawa ng Frabelle dito sa Navotas Fishport at sana po ay maaksyunan ng mga kinauukulan dito dahil gabi-gabi na lang silang nagsusunog ng bakal. Ang usok ay sobrang baho at napakahirap huminga dahil dito. Hindi na po nawala ang ubo namin dahil sa nalalanghap naming usok mula sa ginagawa nila. Sana po ay mapagbawalan sila sa ginagawa nila dahil kawawa naman po ang mga residente rito lalo na ang mga bata. Salamat po.
0907979xxxx – Mr. Tulfo, I’m a concerned citizen from Muntinlupa who is working in Makati. I just want to report about the illegal parking of vehicles along Bayani Road in Fort Bonifacio, Taguig which causes heavy traffic. There is a “no parking” sign almost every ten meters along the road but it is being disregarded. Worse, some are double parking which adds to the burden of other motorist because they are occupying almost the entire road. Please help us regarding this problem. Thanks and more power to your program.
0922633xxxx – Idol, pakitulungan naman po kami sa Kabignayan Street sa Barangay Tatalon, Quezon City dahil sa ginagawang tambakan ang aming kalye ng basurang napakabaho. Ang mga dump truck kapag tinamad po ay hindi kinukuha. Wala naman pong ginagawang aksyon ang aming baranggay. Madalas pa naman kaming bahain dahil malapit kami sa Araneta Avenue. Pakitulungan naman po kami na matawag ang pansin ng mga kinauukulan. Salamat po.
PANOORIN ANG ISA na namang bakbakang episode ng WANTED sa TV5 mamayang gabi pagkatapos ng Aksyon Journalismo (late night news).
Ang WANTED SA RADYO ay mapapakinggan sa 92.3 FM ng Radyo5, Lunes hanggang Biyernes, 2:00-4:00 pm. Ito ay kasabay na mapapanood sa Aksyon TV sa Channel 41.
Para sa mga nais magsumbong, maaaring magsadya sa aming public service action center na matatagpuan sa 163-E Mother Ignacia Avenue, Brgy. South Triangle, Quezon City o kaya ay mag-text sa 0917-7-WANTED o 0908-87-TULFO.
Shooting Range
Raffy Tulfo