Mga Maiinit na Isyu sa Mainit na Mundo

WHOA! ARAW-ARAW, maraming mainit na isyu ang mga nangyayari sa ating mundo. Siyempre, hindi mawawala rito ang sa sarili nating bayan. Ang bawat balita ay tulad ng isang apoy na mabilis kumalat. Kung sa bagay, ang pakpak ng balita ay via internet na at nasa dulo na ng mga daliri natin.

Ang Tubbataha Reef kung saan kamakailan ay nasadsad ang isang warship ng US at malaki ang naging pinsala nito. Sumisingil tayo ng danyos. Ito may kasunod pa, may mga nahuling Chinese fishermen na nangingisda at sumadsad din ito sa nasabing reef. Makaipon kaya tayo ng pera sa mga sumasadsad. Gaano tayo kahanda para bantayan at lutasin ang mga problemang sangkot dito?

Ang nangyaring sigalot sa Malaysia at sa grupo ng mga sultanato sa pamumuno ni Kiram, ano na kaya ang update dito? No comment… since wala nang balita ito.

Ngayon naman, ang napipintong pagbabanta ng North Korea sa South Korea ng digmaan at maging sa United States of America. Ano kaya ang magiging reaksyon natin gayong naturan din tayong kaalyado ng mga Kano?

Sa bagay, sadyang pinagtatawanan lamang ng mga magkakaalyadong bansa ang North Korea at tinutu-ring itong parang batang bumabangga sa pader. Maaaring nabubuwang ang lider nito at suicidal ngang maituturing. Su-balit paano kung idamay tayo nito sa isa sa mga target niya? Ano kaya ang ating gagawin? Wala namang mananalo sa digmaan kundi kamatayan. Maglaro na lang kaya kayo ng RPG sa computer? Pigilan muna sana ng anghel sa itaas, para sa pagnanasa natin sa kapayapaan. Aprub ‘yan..

USAPANG ARTISTA NAMAN

 

TUNGKOL SA hiwalayang Sunshine Cruz at Cesar Montano, laging lugi ang babae ‘pag humiwalay ito sa lalaki, lalo na kung sila ay kasal. Pasasaan pa, kahit magloko man ‘yan ay uuwi rin ‘yan sa pinanggalingan. Walang pangalawang glorya sa babae lalo na kung may mga anak na ito sa unang asawa. Subalit ‘di ko rin naman sinasabing tamang mag-loko lagi ang lalaki. Pag-usapan na lang kaya ninyo.

Usapang Heart Evangelista at Senator Escudero naman, ang panliligaw naman ay hindi lang sa babae kundi sa mga magulang din. Maging kayo na ng babae, legal man ito o hindi, dapat maging batayan ng lalaki na suyuin ang mga magulang. Pasasaan ka, kung maganda naman ang iyong hangarin ay susuko rin ang Bataan. Kaya mo ‘yan, manoy!

May kasa-bihang huwag mong labanan ang iyong biyenan, kung mahal mo ang kanilang anak ay dapat mahal mo rin sila. ‘Di kaya?! Hahaha…

Kris Aquino at James Yap naman. Kung ako naman kay James Yap, bilang lalaki, kung mahal niya ang kanyang anak ay gawin na lamang niyang pribado ang pag-uusap nila ni Kris. Alam nating taklesa naman talaga si Kris at hindi dahil kapatid ito ng ating pangulo. O, ‘di ba? Kaya medyo lalaki na ang magdala, dahil siya ang kapitan. Konting suyo, kaibigan. Tutal mahusay ka naman sa basketball, parang laro lang ‘yan. Ang buhay may pamilya, may diskarte ka, dapat kailangang maipanalo mo ito. Parang sports lang ito. Kawawa naman ang batang walang father image. ‘Di ba, kris?

Nitong huli ay ang nagpang-abot ang mga young comedian na sina John Prats at Jason Francisco. Ang drama sa mga eksena ay huwag sana nating gawing totoo. Kailangang maging mahinahon tayo rito dahil career ang nakasasalay rito. Mabait din naman itong si Jason, subalit ang bawat tao ay napupuno rin lalo na kung ito ay naging emosyonal na may pinaghuhugutan. Subalit ang trabaho ay showbiz lang, kaya huwag dalhin ang init ng ulo, lalo na sila ay mga komedyante na nagpapatawa lang ng mga tao.

Finally, ang tax evasion case diumano ni Solenn Heussaff ay dapat niyang agad ayusin lalo na at magandang modelong artista ang dilag na ito at nasa prime ng kanyang career. Next time, dapat humanap siya ng mapagkakatiwalaang accountant. Ano, ‘day? Hahaha…

Ito ang larawan sa canvas ni Maestro Orobia. 

For comments and suggestions: email. [email protected]; cp #.09301457621

Larawan sa Canvas

By Maestro Orobia

Previous articleSikat na gay TV-host, lulong sa droga?!
Next articleMalaki ang pagkakahawig kay Bea Alonzo
Star Circle member Ingrid dela Paz, sisikaping magkaroon ng sariling identity

No posts to display