MAY WINNERS na ang Gawad Pasado at ini-announce nila ito nitong Sabado, March 16. Ang Pasado ay binubuo ng mga dalubguro mula sa iba’t ibang colleges and universities sa Pilipinas.
Apat ang winners nila para sa PinakaPasadong Pelikula. Ito ay ang Rainbow’s Sunset, Kasal, Bomba, Aria at Kuya Wes.
Apat din ang choices nila para sa PinakaPasadong Aktor at ito ay napagwagian nina Allen Dizon (Bomba), Paulo Avelino (Kasal), Ogie Alcasid (Kuya Wes) at Eddie Garcia (Rainbow’s Sunset).
Tatlo naman ang wagi para sa PinakaPasadong Aktres. Winner sina Ai-Ai delas Alas (School Service), Gloria Romero (Rainbow’s Sunset) at Bea Alonzo (Kasal).
Triple tie din ang wagi para sa PinakaPasadong Katuwang na Aktor. Sila ay sina Tony Mabesa (Rainbow’s Sunset), Joel Lamangan (School Service) at Ricky Davao (Kasal).
Sina Aiko Melendez (Rainbow’s Sunset), Sunshine Dizon (Rainbow’s Sunset) at Angellie Nichole Sanoy (Bomba) naman ang kanilang napili para sa PinakaPasadong Katuwang na Aktres.
Solo winner naman si Joel Lamangan ng Rainbow’s Sunset bilang PinakaPasadong Direktor
Si Robby Tantingco (Aria) ang winner ng PinakaPasadong Istorya. Si Mycko David (Kasal) naman ang napiling PinakaPasadong Sinematograpiya.
PinakaPasadong Editing naman para sa pelikulang The Hows Of Us si Marya Ignacio. Si Enrique Ramos (Rainbow’s Sunset) naman ang tatanggap ng award para sa PinakaPasadong Dulang Pampelikula
Ang PinakaPasadong Musika ay napagwagian naman ni Emerzon Texon ng Rainbow’s Sunset. Si Albert Idioma naman ng Bomba ang winner ng PinakaPasadong Tunog.
Si Kyle Jumayne ng Aria, Jay Custodio ng Rainbow’s Sunset ay nag-tie naman para sa PinakaPasadong Disenyong Pamproduksyon.
Para sa taong ito, si Ronaldo Valdez ng ABS-CBN series na Los Bastardos ang bibigyan ng Dangal ng PASADO Lifetime Achievement Award.
Gaganapin ang Gawad Pasado awarding ceremony sa May 18, 6 p.m. sa Quezon City Polytechnic University.
La Boka
by Leo Bukas