Mga nota ni Paulo Avelino sa Ang Larawan, binantayang mabuti ni Celeste Legaspi

Paulo Avelino as Tony Ferrer in “Ang Larawan”

DUMAAN sa audition si Paulo Avelino bago niya nakuha ang role ni Tony Javier sa music film na Ang Larawan na isa sa 8 pelikulang kasali sa Metro Manila Film Festival na showing simula Dec. 25.

“Lahat ng pelikulang pinapasukan ko, nag-audition ako! Sa Goyo, nag-audition ako. Sa Larawan nag-audition ako,” pagmamalaki ng aktor.

“Maganda kasi yung makakapasok ka sa pelikula dahil trinabaho mo, dahil pinili ka, hindi dahil sikat ka o anuman.

“Pag nag-a-audition ka, parang nagiging grounded ka, eh. It humbles you. Parang paalala rin sa sarili mo na, ‘Uy, aktor at huwag kang umastang kung sino.’

“Kasi you have to start again. Kapag nagsisimula ka ulit sa baba at parang hindi ka sigurado kung makukuha ka o hindi, parang maraming realization, na dapat hindi ka makampante kasi madami ding  magagaling,” katwiran ni Paulo.

Aminado naman ang aktor na talagang nahirapan siya sa role ni Tony Javier na kapareha ni Rachel Alejandro sa Ang Larawan.

“Nahirapan ako sa singing part. Kasi si Ms. Celeste (Legaspi) masyadong perfectionist. Nakatutok  siya sa akin, so kapag may mag-off lang ng konti sa key, ulit na naman,” sambit niya.

Pero naiintindihan naman daw niya kapag sinisita ang tono niya ng beteranang singer-actress.

 “Kasi hindi ito yung pagkanta na parang favorite mong kanta puwede mong kantahin o kung saan ka magaling. Ito kasi, theatrical, napakaraming rehearsals, napakaraming trainings,” rason pa ng aktor.

La Boka
by Leo Bukas

Previous articleVic Sotto, ipinaubaya muna ang fantasy at special effects sa ibang MMFF movies
Next articleANG TUNAY NA “RELASYON” NINA VICE GANDA AT DANIEL PADILLA

No posts to display