PARA MAKASIGURO, DUMIRETSO ako sa POEA para i-check kung lisensiyado ang ahensiya na pinag-aplayan ko. Okey naman kaya’t binalikan ko ang ahensiya para isagawa ang mga dokumento. Ano naman po ba ang mga papeles na hawak ng ahensiya na maaari kong hilinging mabasa? — Leody ng Tuao, Cagayan
MAYROONG MASTER EMPLOYMENT Contract na maaari mong pagbasehan para hilingin ang rekord mo tungkol sa mga katungkulan o job description mo. Tungkulin ng ahensiya na bigyan ka ng kopya ng kontrata. Ito ang pinaka-importanteng dokumento.
Para naman sa mga marino o seafarer, kailangan ang mga sumusunod: (1) pangalan, katungkulan at suweldo ng marino; (2) tatlong kopya ng kontrata; (3) information sheet; (4) Seafarer’s Identification and Record Book; (5) Registration Certificate ng marino; at iba pang dokumento na maaaring hingin ng POEA.
Ang processing fee ay binabayaran sa POEA pagkatapos ng rehistro.
Ang manggagawa na na-recruit ng isang ahensiya ay dapat paalisin sa loob ng 60 araw matapos itong mabigyan ng overseas employment certificate. Ganito ang dapat mangyari, land-based o sea-based man ang worker.
LIBRENG PAYO! I-TEXT N’YO AT SASAGUTIN KO! PM <space> saklolaw <space> ang inyong katanungan at i-send sa 2948 (for Globe, Smart and Sun users). E-mail: [email protected].
Ayuda sa OFW
By Ome Candazo