OLA CHIKKA now na! Oh, no… oh, yes… now na! More chikka more fun na naman tayo to the maximum authority of chikka ng yours truly! Pak! Mabubuwang ka talaga sa Earth ngayong tapos na ang Semana Santa.
Ano na kaya ang mangyayari sa away nina Amalia Fuentes at Annabelle Rama? Kasi bago mag-Holy Week, walang takot na nag-create si Amalia ng kanyang sariling Twitter account, na parang wala siyang pakialam sa mundo ng showbiz kung may masasaktan.
Diretsong sinabi ni Amalia ang ganito sa kanyang account: ‘This is the real Amalia Muhlach Fuentes. I created this account to defend myself from Annabelle Rama’s rants against my persona.
Kaloka! Napanganga ako nang mabasa ko ang itinipa niya laban kay Annabelle. May mga ibang personalidad pang binanggit si Ms. Amalia na isinali niya sa issue. Over to the max ang panawagan ni Amalia sa asawa ni Annabelle na si Eddie Gutierrez na kontrolin niya ito, kasi ‘pag hindi, marami siyang pasasabugin na mas malakas pa sa pagsabog ng Mayon Volcano.
Kasi sa tingin ni Amalia, inaway na lahat ni Annabelle ang mga nasa showbiz, akala siya na ang diyos ng mga artista. Palilipasin daw niya ang Semana Santa. Ok sa allright! Tapos na ang Holy Week, marami na ang nag-aabang sa war ng dalawang pinakamatapang sa showbiz.
Matindi kasi ang galit ni Amalia na may kinalaman na pagkamatay ng dati niyang asawang si Joey Stevens, at marami raw siyang pasabog. Kaya heto, naghihintay na tayo ng susunod na kabanata. Sama na rin roon ‘yung tungkol sa tatlong elepante, namely Divina Valencia, Daisy Romualdez at Amalia Fuentes, kasi nakisawsaw raw ito sa away nila ni Nadia Montenegro. Siya na! Hahaha!
ANOTHER CHIKKA naman itong kay Aga Muhlach. Nilamon niya ang sinasabing ‘di papasok sa pulitika. Ngayon, tatakbo daw na congressman sa Bicol sa sulsol daw ng kaibigan niyang L-Rey Villafuerte ng Bicol.
Sa true, noon kasi ‘pag tinatanong itong si Aga kung may plano siyang tumakbo sa pulitika, ang lagi niyang isinasagot, wala, wala at walang katapusan wala. Pero sabi nga ng mga pulitiko, talo ang isip natin pagdating sa politics. Ngayon, pinangangalandakan niyang susubukan ang pulitika at balak tumakbong congressman ng Camarines Sur, sa bayan ng kanyang ama.
Pero teka, sabi ng mga kababayan ko, Bicolano pala si Aga, kasi hindi siya marunong mag-Bicol at hindi nila alam kung saan sa Bicol ang kanyang angkan.
Kaloka naman, ‘teh! Maloloka ka talaga sa Earth! Kaya kung ako sa kanya, pag aralan muna ang mga binabalak. Pak!
Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding