NAKAKALOKA talaga ang distribution at agad na pagwiwithdraw ng mga pelikulang kasali sa Metro Manila Film Festival 2017.
Paano ba naman, ang mga big malls sa Metro Manila na may 8-12 cinemas ay tila may pinapaboran na mga pelikulang produced ng mas malalaking film outfits. Okay lang naman sana ‘yun, pero dapat ay naging sensitive din naman sila dahil pinullout nila sa second day pa lang ang mga pelikulang tulad ng “Ang Larawan”, “Deadma Walking” at “Siargao” knowing the fact na meron palang ruling na hindi dapat sila allowed na magtanggal ng pelikula sa first three days. Kalurkey!
Ang mga artista at main production crews ay disappointed sa ganitong pangyayari. Sa mga probinsya naman, limited na nga ang sinehan, puro same movie pa ang palabas.
For the sake of the so-called “film festival”, hindi ba’t mas mainam kung mag-compromise ang mga theater owners? Marami rin naman ang gustong makanood ng mga independent films na mas bago ang konsepto at para sa mga province-based movie fans, itong MMFF sana ang kanilang only chance na mapanood at masuportahan ang ganitong klaseng line-up ng pelikula.
On the other hand, hoping ang karamihan ng supporters ng mga ‘sinabotaheng’ pelikula na kapag manalo man sila ng awards ay makumbinse nila ang mga moviegoers na lumabas at bumili ng movie ticket at ang theater owners naman ay makumbinse na ibalik o ipalabas ang iba pang quality films.