Mga pelikulang pasok sa 1st Pista ng Pelikulang Pilipino, ibinunyag na!

Bela-Padilla and JC Santos of “100 Tula Para Kay Stella”

OUT OF 45 entries na pinanood ng members ng screening committee ng 1st Pista ng Pelikulang Pilipino sa darating na August 16 to 22 na kinabibilangan nina film directors Erik Matti,  Joey Javier Reyes, film critic Oggs Cruz,  screenwriter Ricky Lee,  film editor Manet Dayrit; cinematographer Lee Briones at actress Iza Calzado, only 12 official entries ang pinangalanan kanina, Friday, June 30 ng FDCP na pinamumunuan ni Liza Diño na siyang organizer ng film festival.

Narito ang 12 official entries na kalahok sa PPP:

 
     100 Tula Para Kay Stella na pinagbibidahan nina Bela Padilla.at JC Santos; Ang Mananangal sa Unit 23B ni Ryza Cenon at Martin del Rosario; AWOL ni Gerald Anderson; Bar Boys nina Carlo Aquino,Rocco Nacino, Kean Cipriano at Odette Khan; Birdshot ni John Arcilla; Hamog nina Zaijian Jaranilla at Teri Malvar; Paglipay ni Garry Cabalic, Patay na si Jesus ni Jaclyn Jose at Chai Fonacier; Pauwi Na nina Cherry Pie Picache, Meryl Soriano at Gerald Napoles, Salvage nina Jessy Mendiola, JC de Vera at Joel Saracho; Star na si Van Damme Stallone nina Candy Pangilinan at Paolo Pingol at ang trilogy na Triptiko na pinagbibidahan nina Albie Casino, Joseph Marco, Kean Cipriano at Kylie Padilla.  
 
Ryza Cenon in “Ang Manananggal sa 32-B

Ang mga pelikulang nabanggit ay mapapanood sa lahat ng mga sinehan sa buong Pilipinas during the duration of the festival, kung saan walang mga foreign films naipapalabas. All Filipino films only.

 
Sa formal announcement kanina sa Sequoia Hotel over lunch, dumalo ang ilan sa mga artista na may nga pelikula sa festival tulad nina Cherry Pie Picache, Candy Pangilinan, Zajian Jaranilla, Teri Malvar, Martin del Rosario, JC Santos, Bela Padilla, John Arcilla, Ryza Cenon,  Albie Casino atang kauna-unahang Aeta na artista na si Norman King ng pelikulang Paglipay.
 
Sa iba pang mga schedules na magaganap sa Pista ng Pelikulang Pilipino ay abangan ninyo sa kolum natin dito sa Pinoy Parazzi.

Reyted K
By RK Villacorta

Previous articlePelikula nina Coco Martin, Vice Ganda, Jennylyn Mercado at Vic Sotto, pasok na sa Top 4 ng 2017 MMFF
Next articleLilipad muna sa Japan: Vice Ganda, uumpisahan na ang pelikulang The Revengers!

No posts to display