TONI GONZAGA’S MOMMY Pinty confronted me nang dumating na siya here in the US, kasama ang isa pang anak na si Alex para magbakasyon, pagkatapos ng ikot ng shows ni Toni with Ara Mina and Vice Ganda sa iba’t ibang lugar ng Amerika. Dahil sa isinulat kong mga reklamo ng maraming mga tao sa ‘attitude’ ng kanyang dalaga.
I relayed to Mommy Pinty lahat ng feedback kay Toni. At naglambing naman si Mommy kung pwedeng ibalato na lang ito sa kanila. When we all went out to shop, pinilit pa ni Daddy na bigyan ako ng pang-shopping na tinatanggihan ko na pilit na ibinigay pa rin niya.
And a few days passed lang, bago ako umuwi ng ‘Pinas, I was bombarded na with calls at messages, about Toni pa rin. Like one incident sa Four Points Hotel in San Diego, where Toni performed with Vice Ganda minus Ara.
Tungkol naman ito sa diumano’y pagtataray pa rin ni Toni sa bellboy nang kunin ang luggage nila sa kanyang room. At nang magbigay Raw ito ng tip na a dollar and eight cents, ang salita raw eh, “O, ayan ang tip!”
Ilang minuto lang, para namang may ESP si Mommy Pinty, she called me na sa phone ko para nga linawin ang mga sinasabi ng mga taong nakaSasalamuha ni Toni sa kanilang show o tour.
In fairness nga, nang magtanghal sila sa Palace Station in Las Vegas, tuwang-tuwa ang tao kay Toni at sa dalawa pa niyang kasama.
Nasabi ko naman lahat kay Mommy ang mga nakarating din sa aking komento sa kanyang dalaga. Itinanggi niyang nangyari ang nasabing insidente sa San Diego, dahil ang handler daw ni Toni na si Roxanne ang nag-dialogue ng ganu’n. Dahil hindi si Toni ang nag-aabot ng tip sa mga nagse-serbisyo sa kanila. At kung magbibigay raw ito ng tip eh, five dollars.
Sabi pa rin ni Mommy Pinty, hindi naman ganoon ang ugali ni Toni. Tglaga lang may moments na tahimik lang ito. Pero kung kakausapin naman daw eh, magiliw na magiliw rin.
Kaya ang sabi ni Mommy, kung may negative raw na masusulat tungkol sa kanyang dalaga, tanungin din muna namin siya.
Nasabi ko rin kay Mommy na isang producer din nila (in San Diego) ang nagrereklamo at sumakit nga raw ang ulo, dahil na-late pa si Toni sa kanilang show. Eh, sa Amerika nga naman, eksakto sa oras ang mga tao, lalo na sa venue.
Salag din ni Mommy na sila nga ang nabastusan sa nasabing producer. At pati nga raw si Vice Ganda eh, ganoon din ang tinanggap na trato.
Sabi ko na lang kay Mommy Pinty, siguro ang ganitong klase ng mga kritisismo eh, kailangan ding i-take into consideration. Dahil wala namang magre-react kung wala silang nakikita. Sabi ko rin kay Mommy, natural na naroroon din ang concern ko sa kanyang anak. Dahil kami nga ang sama-sama sa tour at tanging siya lang ang puwedeng mangaral sa kanyang dalaga, especially sa ibabalik nito sa mga tagahanga niyang gustung-gusto siyang makita for the first time, nagbabayad ng mahal to watch the shows, pumipila just to get a picture taken and an autograph. Minsan lang itong mangyayari sa karamihan. Kaya dapat lang siguro na may mga sakripisyo ring ginagawa ang mga artista. Alang-alang sa producers and promoters, alang-alang sa mga kababayan nating matagal na panahon ang hinihintay just to see them and spend time with the artists.
In short, na kay Toni ang concern ko, dahil siya ang star sa entablado. ‘Di ba? Now, we know the real deal.
Kay Ara, wala kaming kaproble-problema. In fact, sa lakad na ito, a lot of endorsements have been laid out for her, sa isang sikat na Pinoy chain of stores at isa pang beauty salon. All are now under negotiations at mukhang may future!
The Pillar
by Pilar Mateo