0927396xxxx – Idol Raffy, isusumbong ko lang po ang nakita kong pangyayari noong napadaan ako sa may SM Manila noong isang araw, bandang 10:55 ng umaga. Nakakita po kasi ako ng mga preso na nakatambay sa may labas ng SM Manila malapit sa Manila City Hall. Mayroon naman pong mga bantay, siguro mga apat na jail guards. Pero ang sa akin po lamang ay para sa safety ng mga taong namamasyal doon. Salamat po.
0919886xxxx – Sir, isusumbong ko lang po ang mga pulis dito sa may Pasig – C5 na laging mga nakatambay sa loob ng isang convenience store. Mula umaga hanggang hapon ay nandoon sila sa loob at walang ginagawa kundi mag-text sa loob ng nasabing convenience store.
0915897xxxx – Idol, pakigising naman po iyong mga pulis at traffic enforcer diyan sa may Baclaran – Roxas Boulevard, may nakalagay na traffic sign na diyan na no loading and unloading ngunit nagiging terminal pa ng mga sasakyan.
0921765xxxx – Sir Raffy, irereport ko lang po sa inyo na dito sa amin sa Camarines Norte ay may mga binatilyo na pinaghubo’t hubad ng mayor sa gitna ng plaza na napa-karaming tao sa kasagsagan ng fiesta. Napagbintangan na nambastos ang mga binatilyo. Pakiaksyunan naman po ang pangyayaring ito. Salamat po.
0929871xxxx – Sir Raffy, tama po ba na magdala ang executive officer o ex-o ng baranggay ng baril? Lalo na kung nagdu-duty siya nang nakainom ng alak at nanunutok ng baril sa mga tao. Sana po ay maaksyunan ninyo ang aking sumbong. Salamat po.
0915840xxxx – Idol, isa po akong taxi squad member at nais ko pong i-report sa inyo ang kuhaan ng police clearance dito sa Caloocan City Hall. Wala po silang nire-release na resibo at may bayad na limang piso para sa tissue na may alcohol. 180 pesos ang bayad sa nasabing clearance, isang daan na diretso sa drawer ng pulis at otsenta pesos para sa pagkuha ng litrato. Sana po ay maaksyunan ninyo ito. Salamat po.
0927654xxxx – Sir Raffy, may isasangguni lamang po ako, iyong kamag-anak ko po kasi ay nahuli ng tatlong pulis dahil pagda-drive ng motor nang nakainom at walang helmet. Nahuli po siya noong isang araw, sinapak siya ng apat na beses sa mukha at kinuha ang kanyang pera sa wallet, kinuha rin po ang kanyang lisensiya at dinala siya sa police station. Nang dumating po kami sa loob ng istasyon ng pulis ay hindi kaagad namin nakita ang kamag-anak ko dahil binubugbog pala siya sa loob ng kulungan. Muntik na rin siyang masaksak ng ice pick kung hindi lang niya nakita at tinawag ang pansin ng mga pulis na naka-duty. Hanggang ngayon ay nakakulong ang kamag-anak ko at hinihingian kami ng malaking halaga para makalabas daw siya. Sana po ay matulungan ninyo kami.
Ang WANTED SA RADYO (WSR) ay mapakikinggan sa 92.3 FM, Radyo5, Lunes- Biyernes, 2:00-4:00 pm. Kasabay na mapapanood ang WSR sa Aksyon TV sa Channel 41. Sa SkyCable ito ay nasa Channel 61, Channel 1 sa Cignal at Channel 7 naman sa Destiny.
Para sa inyong mga sumbong, mag-text sa 0917-7-WANTED o sa 0908-87-TULFO.
Shooting Range
Raffy Tulfo