NARITO ANG ilan lamang sa mga sumbong na ipinadala sa pamamagitan ng aming texthotlines na 0908-87-TULFO at 0917-7-WANTED.
May concern lang po ako tungkol sa Ugpay Elementary School sa probinsya ng North Cotobato. Tama po ba nananiningil ang isang public school ng P654.00 para sa miscellaneous fee? At pati ang feeding program ng gobyerno ay ang mga magulang ang kanilang inoobliga. Sana po ay matulungan ninyo kami.
Concerned parent lang po at isusumbong ko ang mga guro ng mga bata dahil naniningil sila ng P200.00 sa bawat bata para pambili ng water dispenser at kung anu-ano pa. Dito po ito sa Burgos Elementary School dito sa Paniqui, Tarlac. Pakitulungan po ninyo kami.
Reklamo ko lang po na dito sa Danao Central School ay walang CR ang mula kinder hanggang Grade 3. Pakikalampag naman po ang mga kinauukulan para maaksyunan to. Salamat po.
Isusumbong ko ang po ang Alapan II Elementary School dahil nangongolekta po sila ng P100.00 para raw pambili ng electric fan at bukod doon ay mayroon pang sinisingil na P10.00 na monthly contribution para daw pambayad sa naglilinis ng mga toilet.
Concerned citizen po ako rito sa Muntinlupa City. Kung maaari po sana ay tulungan nino kaming mga magulang dito sa Victoria Elementary School kasi ay taun-taon silang nanghihingi ng contributions sa mga estudyante. Ngayon po ay naniningil sila n P100.00 para sa electric fan at para sa iba pang project nila sa silid-aralan.
Paki-surveillance naman po ang mga MMDA na nakapuwesto rito sa may bandang Sta. Lucia Grand Mall at Robinson’s Metro East sa may Marcos Highway dahil mga nangongotong. Kada-driver po ng jeep na biyaheng Antipolo ay nag-aabot ng P20.00 kaya ang pamasahe ay nagiging P20.00 mapa-malayo man o malapit ang bababaan ng pasahero. Hinahayaan din po nila ang mga jeep na magsakay ng pasahero kahit nasa gitna ng kalsada kaya lalong nagkaka-traffic sa nasabing lugar.
Hihingi lang po kami ng tulong na maialis ang isang basketball na nakaharang sa gitna ng kalsada. Dito po ito sa Sta. Ines, Plaridel, Bulacan. Salamat po.
Gusto ko lang po ireklamo iyong mga drainage sa may Mayamot, Antipolo dahil kalahating taon na ay hindi pa naaayos. Kahit tirik na tirik ang araw ay basa ang kalsada at ang baho ng amoy ng tubig kanal na dumadaloy sa kalye.
Reklamo ko po ang kalsada sa Sampaguita Street, Payatas dahil laging may tubig. Ang dami nang naaksidente na naka-motor dito.
Makinig at manood ng Wanted Sa Radyo 92.3 FM Radyo5 at Aksyon TVChannel 41, Luneshanggang Biyernes, 2:00-4:00 pm. Ito ay naka-simulcast din sa 101.9 FM sa Cebu at Davao. Sa Cagayan de Oro ito ay kasabay na napakikinggan din sa 101.5 FM at sa 97.5 FM naman sa General Santos City. Samantalang sa Bacolod City naman ay sa 102.3 FM.
Ang inyong lingkod ay mapanonood din sa Aksyon Sa Tanghali sa TV5, Lunes hanggang Biyernes, 11:30 am-12:00 nn.
Mapanonood din ang inyong lingkod sa T3: Alliance sa TV5 tuwing Linggo, 1:30 pm.
Para sa inyong mga sumbong, mag-text sa 0908-878-8536 at 0917-792-6833.
Shooting Range
Raffy Tulfo