Mga Pulis na Walang-Hiya, Pinatulan Pati Batang Ulila!

0948332xxxx – Mr. Raffy Tulfo, ako po ay isang concerned citizen na taga-Calbiga, Samar. Nais ko lamang pong isumbong sa inyo ang ginawa ng mga pulis dito sa aming lugar. Isang menor de edad ang kanilang pinagbintangan na nagnakaw sa isang bahay. Wala po silang nakuha na kahit anong bagay o pera sa binatilyo pero binugbog pa rin nila at ikinulong. Pilit po nilang pinaaamin ang bata sa kasalanang hindi naman nito ginawa. Sana po ay maipahatid ninyo ito sa DSWD para maisalba pa ang buhay ng batang ito. Wala na pong mga magulang ang batang ito. Iilang kamag-anakan na lamang ang sumusuporta rito. Sana po ay matugunan ninyo ang sumbong kong ito. Maraming salamat.

0929630xxxx – Boss Raffy, ako po si Jessi Dimla na taga-San Juan, Taytay, Rizal. Nais ko pong ipaalam sa inyo ang ginawang panghuhuli sa akin ng mga pulis-Taytay. Mayroon daw po silang ginagawang checkpoint sa a-ming lugar pero wala naman pong nakalagay na karatula na may checkpoint doon. At hindi po mga naka-uniporme ang mga pulis na ito. Wala rin po silang mga nameplate na puwedeng pagkakilanlan sa kanila. At mayroon po si-lang sibilyan na kausap na humahawak ng kanilang paniket. Sila po ay nag-uumpisa ng 10:30 ng gabi hanggang 1:00 ng madaling-araw. Sana po ay mabigyan ninyo ng karampatang aksyon ang aming problema. Umaasa po kami na tutugunan ninyo ang aming hinaing.

0923429xxxx – Idol Raffy, isusumbong ko po sa inyo ang mga pulis-Valenzuela. Tuwing alas-singko po ng madaling-araw, sa harap ng Holy Trinity Church sa Barangay Linguran,Valenzuela City ay nangongotong ang mga pulis dito. Ito po ay may body number na 414. Tulungan po ninyo kami, Idol, para masugpo na ang kanilang ma-ling gawain.

0909711xxxx – Idol Raffy, lugod po akong bumabati sa inyo at sa kabuuan ng inyong programang WANTED SA RADYO. Gusto ko pong isumbong sa inyo ang ginawang panloloko sa amin ng isang pulis na nakadestino sa Crame. Nangutang po ang pulis na ito. ‘good’pm po’ kung pwd lang po’rereklamo ko un,pulis mo na’nag istapa po ng pera namen’.

0949964xxxx – Idol Raffy, kami po ng aking buong pamilya ay walang-sawang tagasubaybay ng WANTED SA RADYO. Nais ko lamang pong ihingi ng tulong ang aming problema. Ang bus company na Calamba Mega Transit, Inc. ay mayroong ginagawang kalokohan. Madalas po kaming sumasakay rito at hindi lamang po isang beses ginawa ng nasabing bus company ang pagkalimot sa pagbabalik ng sukli sa kanilang mga pasahero. Modus na po ang kanilang ginagawa. Hindi lamang po sa akin nangyari ang bagay na ito kung hindi sa iba pang pasahero. Sana po ay maturuan ng leksyon ang mga taong sangkot dito dahil hindi po madaling kumita ng pera. Sana po ay madami pa ang matulungan ninyo. Nagpapasalamat po kami sa inyo.

Ang WANTED SA RADYO ay mapapakinggan sa 92.3 fm, Radyo5, Lunes hanggang Biyernes, 2-4pm. Para sa inyong mga sumbong magtext sa aming Hotline sa 0917-7-WANTED at 0908-87-TULFO. 

Shooting Range
Raffy Tulfo

Previous articlePaano makipag-ugnayan sa PAO?
Next articleJulie Anne San Jose… now trending!

No posts to display