[imagebrowser id=110]
GABI NA nang marating ko ang bagong tirahan ng mga Asistio at bago ko pa nakausap nang madibdibang one-on-one itong si Ynna Asistio, magiliw akong sinalubong nito sa kanilang sala. Maganda ang kanilang bahay, maging ang interior decoration at setting ng mga gamit, sa kanilang garahe naman ay may ilang sasakyang naka-park.
PAGLILINAW KUNG SINO ANG KAYAKAP NI MARK SA GARAHE NA KUMAKALAT SA TWITTER
ILANG SAGLIT pa, naupo kami at ito ang kanyang mga rebelasyon. Tinanong ko kung nagseselos siya or nagagalit sa tambalang Mark Herras at Kris Bernal? Kumusta, ‘yung tungkol kay Mark at Kris, ano’ng comment mo?
“Ah hindi naman ako galit.”
Ah… nagulat lang ako doon sa pi-nost nila sa Instagram, para kasing may ganu’n? Parang may ipinakitang ganu’n, ha? Parang nakita ko sa Twitter, tapos may nakita akong picture. Medyo alanganin pa akong magtanong, pero ito ang sagot niya.
“Ah, yeah! Sir, nang-iintriga kayo ha?”
Hindi naman, saka magkaibigan naman kami ni Kris. Ang tinutukoy niya ‘yung sa Instagram na siya ko namang tinatanong. “Ah… picture namin ni Mark?”
Parang sa garage ‘yun, parang yapos si Kris ni Mark? “Ah ako po ‘yun!”
Ikaw ‘yun? “Opo, si Yassi Pressman po ang kumuha.”
Akala ko si Kris, kasi biglang humawig ka kay Kris eh, hehehe! “Marami nga pong nagsasabi na si Kris Bernal daw.”
Ah… hahaha! Natawa akong bigla.
KINUMUSTA KO ANG KANYANG MGA PROJECT?
KUMUSTA PALA kayong magkakapatid? “Okay lang po. ‘Yung mga kapatid ko, busy sa school.”
Dagdag pa niya na nahinto muna ang kanilang pag-aartista dahil napasok na ito sa mga eskwela. “Tapos ako medyo wala akong ginagawa lately, kasi katatapos lang ng My Beloved. Wala pa po akong nababalitaan.”
Pero kahit papaano naman eh, may niluluto? “Wala po akong idea.”
‘Di bale, isusulat ko kaagad itong interview ko, at sana magkaroon ka muli ng project na kasunod. “Oo nga po eh.”
Kasi medyo magpapayat ka. “Oo nga po eh, pumayat na nga po ako, eh.”
Inamin naman niya na sadyang heavy-boned siya. “Ngayong nagpapapayat ako, masyado siyang halata.”
Ah, big bones ka “Opo, puro buto.”
Kaya nais ni Ynna ipagpatuloy ang pag-e-exercise. So ‘yun ang medyo gawin mo. Siguro busy ka kay Mark? “Hindi po. Siya ngayon ‘yung nagdyi-gym at saka nagba-basketball at ako nagwo-workout naman ako lately, kaso nagpapagaling ako sa ubo. Mga magwa-one week na akong inuubo at saka sinisipon. Siguro sa weather din po.”
Tinanong ko kung nag-i-smoke siya. “Ako, napaka-sensitive ko talaga sa smoke, sa usok.”
Buti si Mark, hindi naman nag-i-smoke? “Ay, naku! Si Mark, nag-i-smoke ‘yun. Siya ‘yung ano… kaya minsan kapag lumalapit ako siya ‘yung lumalayo.”
Hindi ka naman natutukso na mag-smoke? “Hindi ko siya feel. Kasi nga po… basta nu’ng college, mga kaklase ko grabeng mag-yosi. Ako lang talaga ‘yung hindi. Hindi ko lang feel, basta hindi ko alam kung anong nagagawa sa katawan.”
Ano ba ‘yung mga nakaraang project mo? “Ah marami akong project, 2011… ah, 2010, nag-stop ako, nag-school ako kaya nawalan ako ng work, pero after non nag-cameo ako sa Tween Academy.”
PATIKIM PA lang ito. Abangan ninyo ang mga rebelasyon ni Ynna na tiyak dito pa ninyo malalaman, ang tungkol sa mga hinaing niya sa mga pangyayari sa kanilang pamilya at buhay. Bahagi na nito ang kinasangkutan ng kanilang pamilya sa gusot nila kay Annabelle Rama.
Ito ang larawan sa canvas ni Maestro Orobia. For comments and suggestions: email. [email protected]; cp.0930457621.
Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.
For comments and suggestions, e-mail: orobiakpp[at]yahoo.com and/ or maestrorobiaparazzi[at]yahoo.com.
ni Maestro Orobia.