Mga rebelasyon ni ynna assistio (Part-II)

[imagebrowser id=127]ANG NAIS PANG MANGYARI SA SHOWBIZ CAREER NI YNNA

“MGA HALOS isang buwan pa lang akong walang work. Party Pilipinas lang ‘yung regular show ko ngayon.”

Ano ‘yung pinaka-forte mo ngayon, okay ka lang sa pagkakanta? “Opo. Actually ‘yun naman talaga ‘yung pinasok ko kahit before pa po. Iyon talaga ang pinakagusto ko, kaso mas nabibigyan ako ng chance na or opportunity sa pag-acting, ‘yun muna ang ginagawa ko. Pero sana hindi maging close ‘yung pintuan nila for me na maging singer.”

“Tapos ‘yung ano ko lang po, parang nag-aalangan kasi sila sa akin, eh. Parang mahirap daw akong ilagay sa love team. Parang

alanganin akong tween o teens at alanganin din akong magmatandang role. Sa ‘My Beloved’ iyon ‘yung masasabi kong tumatak sa tao bilang kontrabida.”

ISYU SA SIGALOT NG KANILANG PAMILYA KAY TITA ANNABELLE RAMA

SA PAGPAPATULOY ng one on one interview ko kay Ynna. Aking ipinauunawa na ang conversation namin ni Ynna ay hindi upang magningas pa ng apoy at magkagulo pa sila lalo ni Tita Annabelle, kundi iparating ang kanilang damdamin sa isa’t isa bilang isang talent at manager or vice versa. Baka sakaling maisipan nilang magkasundo. Ito ay isang mabuting paraan upang makamit ang kapayapaan sa gitna ng muhi at galit nila sa isa’t isa. Ang pinakamagandang regalo sa mga magkaaway ay ang pagkakasundo at pagpapatawad sa isa’t isa. Pinaniniwalaan ko rin naman na ang bawat binitawang salita ng tao ito ay itinuturing niya itong tama sa kanyang pag-iisip. Sana ay makarating rin kay Tita Annabelle na mapaunlakan niya ako nang makuha ko rin naman ang kanyang side sa mga isyu nila ng mga Asistio at Nadia Montenegro.

Eh, sa Twitter siguro nababasa mo ‘yung kay Annabelle Rama? “Ah, hindi ko siya pina-follow eh, pero may nagpapakita din sa amin.”

Minsan nababasa mo? “Opo, pero ‘di ko pina-follow.”

Pero nasasaktan ka rin ba? “Opo. Kasi ‘yung akin kasi, kahit hindi siya nagtu-tweet, pero pag nire-tweet ng isang tao, parang ikaw na rin ang nagsabi nun.”

Ah, parang ni-like mo. “Opo, parang sa Facebook ‘yan eh. Parang ni-like n’ya tapos ni-repost n’ya ‘yung sinabi ng isang tao, parang nakakasakit. Kasi parang hindi na rin kasi appropriate ‘yung mga sinasabi. Masyado nang hindi maganda ‘yung mga sinasabi tungkol sa family. Or kahit hindi naman kami eh, kahit ‘dun sa iba niyang kaaway. Parang powerful ‘yung mga words n’ya na hindi na talaga magandang tingnan at basahin.”

Ah, parang hindi na healthy para sa ‘yo? “Ah, opo.”

Lalo’t mommy mo ‘yung involve? “Actually hindi lang mommy ko, pati ako marami na siyang sinabi. Talagang may mga intrigero at intrigera sa Twitter. May mga nagpapakita sa akin na na-mention ‘yung pangalan ko du’n sa tweet ni Tita kaya ko nakikita. Kaya ayun natuto na rin akong deadma na lang at saka i-handle kahit nakakasakit na talaga. Kasi manager ko pa rin siya, eh. Iyon ang mahirap sa akin, kasi manager ko pa rin siya.”

Andoon pa rin ‘yung respeto mo? “Kahit naman wala na ako sa kanya, hindi mawawala ‘yung respeto ko sa kanya. Ang ina-ano ko lang din na mahirap eh, ‘yung wala na siyang respeto sa amin, eh. Kasi kung paano niya kami kinakausap. Pero sabi ko nga, bilang naging manager ko siya, nire-respeto ko pa rin siya, kasi nakatatanda siya. Dahil tao rin naman po siya. Kahit deserve naming respetuhin eh, masyado lang pong powerful ‘yung kalaban namin na ikinakatuwa ng ibang tao na hindi naman po dapat.

Abangan muli next Friday ikatlong isyu sa buhay ni Ynna Asistio.

Ito ang larawan sa canvas ni Maestro Orobia.

For comments and suggestions: [email protected]; cp.09301457621

Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.

For comments and suggestions, e-mail: orobiakpp[at]yahoo.com and/ or maestrorobiaparazzi[at]yahoo.com.

ni Maestro Orobia.

Previous articleLucky White
Next articleSa sobrang higpit ng madir: bagets star, prepaid pa rin ang sim ng cellphone!

No posts to display