MALAKI ang utang na loob nina Sarah Geronimo, Anne Curtis, James Reid at Gary Valenciano kay Teacher Georcelle ng G-Force. Lahat sila dumaan sa pagsasanay ni Teacher Georcelle na isa sa pinakasikat at pinakamahusay na choreographer/mentor sa bansa.
Ang training nila sa choreographer ang naging dahilan para lalo pa silang maging mas mahuhusay na performers.
Ayon kay Teacher Georcelle, itinuro at ibinahagi niya sa kanila ang kanyang passion, inspiration, commitment at motivation upang mapalabas ang kanilang natural na angking husay at galing.
Bongga, di ba?
At ngayon, for the first time ay ay ibabahagi n’ya sa lahat ang mga bagay na natutunan n’ya on and off stage sa pamamagitan ng isang libro titled The Force Within.
“Because I love to teach, I am sharing with you eight lessons in resilience, patience, passion, professionalism and grit,” sey ng founder and artistic director ng G-Force.
Dagdag pa niya, “Dance isn’t just about moving to the music, it’s a discipline…a commitment…a new way of thinking.”
Mababasa din sa libro ang maraming kuwento niya tungkol sa mga oportunidad na nakuha niya dahil sa pagmamahal niya sa larangan ng pagsasayaw.
Trivia lang: Alam n’yo ba na at 14 years old ay naging member na si Georcelle ng Adrenalin dance company na bahagi noon ng The Sharon Cuneta Show. Siya ang youngest member ng grupo.
Samantala ang librong The Force Within ay puno ng mahahalagang aral at kawili-wiling impormasyon tungkol kay Teacher Georcelle bilang dancer/ choreographer, mentor, a fashion-lover at bilang isang masigasig na tao.
La Boka
by Leo Bukas