NALOKA, AS in, nabaliw ang mga taga-Tondo partikular na ang mga taga-Happy Land dahil ang buong akala nila ay “Christmas Noche Buena” ang ipamimigay ni Kris Aquino na tulad sa ipinangangalandakan niya sa kanyang programa. ‘Yun pala ay relief goods.
Yes, relief goods talaga, as in, ang laman ay isang kilong bigas na NFA, dalawang pirasong noodles, at tatlong pirasong sardinas.
“Gabi pa lang, pila na kami rito. Kahit umuulan, hinintay talaga namin ang pagdating ni Kris. Siyempre biyaya ang dala niya at isang malaking tulong sa amin ditong mahihirap ang noche buena na ibibigay niya,” sabi sa amin ng isang babaeng ay kapayatan.
Nang malaman daw ng mga taga-Tondo na dadalawin sila ni Kris dala ang regalo ay naglundagan sila sa tuwa. At least daw ngayong Pasko ay makakatikim sila kahit paano ng masarap na pagkain na pagsasaluhan ng kanilang pamilya.
“Akala namin hamon na ang dadalhin sa amin. Hahahaha! NFA rice pala. Hahaha!” sabi ng aming kausap.
“Araw-araw NFA ang kinakain namin dito kaya ok na rin ‘to. Yahoo!” Tumatawang sundot naman ng isang lalaking may katandaan.
Nagpapasalamat naman daw ang mga taga-Tondo sa ibi-nigay ni Kris at ng kanyang mga kasama. Kaya lang, hindi nila akalain na ang bonggang noche buena na sinasabi ng aktres ay relief goods pala na dapat ay sa Cagayan de Oro dinala, dahil iyon ang higit nangangailangan ng tulong bunga ng hagupit ng bagyong Sendong.
Base sa nakarating sa aming balita, nagmamadali raw umalis si Kris sa lokasyon ng gift-giving, dahil natakot ito sa galit ng ilang mga taga-Tondo.
KAMAKAILAN, NAGKAROON ako ng chance na makausap si Anne Curtis. At ayon sa dalaga, sobrang mahal niya ang kasalukuyang boyfriend na si Erwann Heussaff.
Ayon pa kay Anne, ang isa sa mga dahilan kung bakit niya minahal ang katipan ay dahil sa sobrang supportive nito sa kanyang personal na buhay at maging sa showbiz career, bukod pa sa maalalahanin at mahal ito ng kanyang pamilya.
Samantala imbiyerna si Anne sa balitang nagli-live in na sila ni Erwann. Usap-usapan kasi, matagal na raw nagsasama sa isang bubong sina Erwann at Anne, na ayon sa dalaga ay isang malaking kababawan. Dahil una at higit sa lahat ay totoong mahal niya ang katipan, pero hindi raw ibig sabihin noon ay papayag na siyang magsama sila nang walang nagaganap na kasalan. Natatakot daw ang dalaga na isumpa siya ng kanyang pamilya sa sandaling magkaroon ng anak out of wedlock.
Sa kabilang banda, tiniyak naman ng isang taong malapit kay Anne na sa darating na concert nito sa Araneta Coliseum, hindi man maging sing ganda ng boses nina Charice Pempengco, Sarah Geronimo at Regine Velesquez ay tiyak na pag-uusapan ang kauna-unahang venture sa pag-awit ng dalaga, dahil sa mga isusuot nitong damit na sa mga lalaki ay tiyak na makapagpapainit.
Bibirit daw nang bonggang-bongga si Anne. Kiber niya kung pagtawanan siya, ang importante raw ay maging total performer siya sa January 28 sa Araneta.
IBANG KLASE talaga ang Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story, kung saan ay bongga ang sunud-sunod nitong presscon na ang lahat ng mga movie press ay umuwing may ngiti sa labi at hindi tulad ng ibang pelikulang kahalok sa Metro Manila Film Festival na ang presscon ay lihim na lihim.
May dahilan pala kaya maagang nagpa-premier night ang pelikula, dahil napakaganda ng pelikulang ito, kung saan ay sulit ang ibabayad sa sinehan ng ating mga kababayan.
Napanood namin nang buo ang pelikula ni Gov. ER Ejercito. Nagulat kami sa ganda ng pelikula. Bukod sa kakaiba ito dahil black and white, dito namin nakita ang maraming eksena sa buhay ni Asiong Salonga na hindi namin noon nakita sa pelikulang unang ginawa nina dating Pangulong Joseph Estrada at ng yumaong si Rudy Fernandez.
Marami ang umaasa na tatangkilikin ng mga manonood ang Asiong Salonga dahil de kalidad ang nasabing film na binigyan ng Rated A ng Cinema Evaluation Board.
Makatotohanan at nakalilibang panoorin ang pelikula. Promise. Tsuk!
More Luck
by Morly Alinio