MAHIGIT NA 25 taon na naging OFW ang aking tatay. Siya ay regular na naging contributor ng OWWA. Noong 2009 ay umuwi siya sa Pilipinas. Sa kasawiang palad, nagkasakit at namatay siya noong 2011. May makukuha pa kaya siyang benefits mula sa OWWA kahit dalawang taon na siyang hindi OFW nang mamatay siya? – Lita ng San Miguel, Bulacan
AYON KAY Director Tornea ng OWWA, pangkaraniwan ay wala nang makukuha pang anumang benepisyo ang isang OFW na namatay matapos magwakas ang kanyang kontrata. Sa kaso ng tatay mo, nandito na siya sa Pilipinas nang siya ay mamatay. Gayunpaman, ang coverage ng OWWA insurance ay laging dalawang taon. Alamin mo kung nag-lapse na ang OWWA coverage na dalawang taon nang siya ay mamatay.
ANIM PO kaming mga OFW na nag-apply ng livelihood assistance sa OWWA Reintegration Program noon pang September 2011. Kumpleto na po ang aming requirements pero hanggang ngayo’y hindi pa po naaaprubahan ang aming appplication. Gaano pa po katagal ang aming
ipaghihintay? – Jessica ng Cebu City
AYON SA OWWA, hindi sila ang nag-a-aprove ng loan. Ang final na pag-aapruba rito ay nasa Land Bank. At doon tumatagal. Ang Land Bank ang nagsasagawa ng credit investigation at iba pang rekisitos. Samakatuwid, ang isang aplikante ay parang nag-aapply ng loan sa isang ordinaryong bangko. Kaya pala matagal.
LIBRENG PAYO! I-TEXT N’YO AT SASAGUTIN KO! PM <space> saklolaw <space> ang inyong katanungan at i-send sa 2948 (for Globe, Smart and Sun users). E-mail: [email protected].
Ayuda sa OFW
By Ome Candazo