HONEY, SWEETHEART, mahal, babes, love, baby, labs, pangga – ito ay ilan lamang sa mga terms of endearment na ginagamit natin sa ating mga minamahal. Nakakabaliw, nakakakilig, nakakahilo at kung minsan ay nakakasakit ng puso at ulo pero kahit ano pang sabihin ay masarap talagang main-love. Sabi nga ng isang linya sa awit na Florante at Laura ni Francisco Balagtas, “O, pag-ibig, kapag pumasok sa puso ninuman, hahamakin ang lahat masunod ka lamang…” Hindi ba’t totoo namang it’s nice to have someone who makes you smile and fall in love over and over again? Bato na lang ang puso ng taong hindi sasang-ayon dito.
Masarap pag-usapan ang tungkol sa pag-ibig at kahit abutin pa kayo ng iyong kausap hanggang kinabukasan ay hindi kayo mauubusan ng kuwento when it comes to love. Sabi nga nila, bulag daw ang pag-ibig kaya kahit naglalakad ka na sa kalbaryo ay para ka pa ring nakatuntong sa alapaap.
Paboritong paksa ang tungkol sa pag-ibig kaya naman maging ang titles ng mga pelikula ay hindi magpapahuli sa makapangyarihang tawag ng pag-ibig gaya ng mga sumusunod:
1. Puso – The Megastar Sharon Cuneta starred in Nakagapos na Puso and Pati Ba Pintig Ng Puso?; Superstar Ms. Nora Aunor topbilled Muling Umawit ang Puso; Batangas Governor and Star for All Seasons Ms. Vilma Santos was the lead actress in Sinungaling Mong Puso and Muling Buksan ang Puso; samantalang ang nag-iisang Queen of Teleseryes na si Judy Ann Santos ay nagbida sa Paano Ang Puso Ko at Dito Sa Puso Ko.
2. Pag-ibig – Gumanap at pinatunayan ni Sharon na may Tatlong Mukha Ng Pag-ibig; at kung si Gov. Vi ay nagtatanong kung Saan Nagtatago Ang Pag-ibig? at nakikiusap ng Palimos ng Pag-ibig; gusto naman ni Juday na Muling Ibalik Ang Tamis Ng Pag-ibig kahit na nagdududa siya kung May Pag-ibig Pa Kaya? Tanong naman ni Piolo Pascual, Paano Kita Iibigin?
3. Love – Magpahanggang ngayon ay Beloved pa rin si Ate Guy at marami ang nagpapasabing Tell Nora I Love Her at I Can’t Stop Loving You. It’s nice to be young and in-love gaya ng mararamdaman mo kapag muli mong pinanood ang mga teenage movies ni Sharon gaya ng To Love Again, Friends in Love, My Only Love, at PS I Love You. At magpahanggang ngayon, masarap na masakit pa ring umibig tulad ng mga pinagdaanan ng karakter na binigyang buhay ng ating mga young stars sa pelikulang I Love You Goodbye (Kim Chiu and Angelica Panganiban), Love Me Again (Angel Locsin and Piolo), All About Love (Bea Alonzo, John Lloyd Cruz, and Anne Curtis), And I Love You So (Bea and Sam Milby), A Very Special Love (Sarah Geronimo and John Lloyd), Catch Me I’m in Love (Sarah and Gerald Anderson), My Big Love (Toni Gonzaga and Sam), at Babe I Love You (Sam and Anne). Ano nga ba ang kaya mong gawin In The Name of Love (Angel) at paano mo sasabihing I Think I’m in Love (Piolo)? When Love Begins (Anne), A Love Story (Angelica) develops pero dapat kang mag-ingat nang hindi ito makasira sa buhay ng iba gaya ng Subject: I Love You (Jericho Rosales).
4. Heart – It’s enjoyable to watch a teenage Sharon in the feel-good movies Cross My Heart and Dear Heart.
5. Romance – My First Romance starred Bea and Lloydie. At kahit hindi man nauwi sa totoong buhay ang kanilang romance ay maligaya naman sila ngayon sa piling nina Zanjoe Marudo at Shaina Magdayao.
6. Mahal – Tanong ni Sharon, Dapat Ka Bang Mahalin pero tiniyak ni Gov Vi na Ikaw Ang Mahal Ko at Hanggang Ngayon Ika’y Minamahal. Kahit pa in sickness or in health Dahil Mahal Kita: The Dolzura Cortez Story. Noon ay medyo nahihiya pa si Juday na sabihin ang kanyang tunay na nararamdaman sa taong mahal kaya nakisuyo siyang Pakisabi Na Lang… Mahal Ko Siya. If Echo is as-king kung Hanggang Kailan Kita Mamahalin? ay iba naman ang drama ni Lloydie dahil napatunayan niyang Ikaw Pala ang Mahal Ko at ka-yang ipagsigawan na Mahal na Kung Mahal.
Kaibigan, usap tayo muli!
Points of Boy
by Boy Abunda