0915249xxxx – Magandang araw po, Idol Raffy, ire-report ko lang po iyong mga HPG sa Laguna, along highway papuntang Sta. Cruz sa bandang Calauan dahil ang dami po nilang hinaharang na mga van, hini-
hingan po nila ng pera. Ang pinaka-mababa po ay P3,000. Sana po ay matigil na ito. Salamat po!
0942850xxxx – Ire-report ko lang po ang mga MMDA sa Commonwealth lalo na sa may Tandang Sora fly-over. Dahil ang lalakas manghuli ng mga colorum daw na truck pero hindi naman tinitiketan. Kawawa naman po ang mga truck driver dahil pinagkakakitaan ng mga enforcer.
0923659xxxx –Sir, irereklamo ko lang po ang talamak na pangongotong na ginagawa ng mga pulis dito sa Quezon City. Nahuli po ang plaka ko pero kinotongan pa po ako ng P200.
0928820xxxx – Idol Raffy, pakikalampag naman po ang mga kinauukulan sa PNP dito sa may San Mariano, Isabela. Mga nakainom po sila sa oras ng duty nila.
0919206xxxx – Idol, baka po puwedeng makahingi ng tulong sa inyo upang makalampag iyong mga kinauukulan dito sa amin sa Western Bicutan dahil kahit sandali lang po iyong ulan ay kaagad na nagbabaha rito. Marami pong salamat.
0935244xxxx – Sir, pakikalampag po ang mga namamahala sa trapiko sa may Sto. Tomas, Batangas dahil garapalan po ang pagti-terminal ng mga jeep sa palibot ng industrial park na nagiging dahilan ng trapik. May mga pulis at traffic enforcer nga po pero hindi naman ginagawa ang mga trabaho nila.
0999976xxxx – Sir Raffy, inutil po ang mga pulis sa Bocaue, Bulacan dahil wala pa rin silang ginagawang aksyon sa pagkamatay ng isang matandang babae na nabangga ng isang tricycle noong May 31, 2013 bandang 4:30 am. Nakatakas po iyong salarin at hanggang ngayon ay wala pa ring nagagawa ang mga pulis. Pakitulungan naman po.
0929451xxxx – Magsusumbong po ako sa inyo dahil hindi inaaksyunan ng mga pulis dito sa Laoag City ang sumbong ko sa isang engineer na ubod ng yabang na la-
ging may bitbit na baril. Nagpapaputok po ito kaya natatakot tuloy ang mga tao. Hindi po nila mahuli dahil malakas daw sa munisipyo. Sana po ay matulungan ninyo kami. Salamat po.
0918492xxxx – Sir, isa po akong concerned citizen, dito po sa amin sa Luksuhin Ibaba kung saan matatagpuan ang Alfonso Cavite Public Market ay may municipal ordinance na sumisi-ngil ng P10 per square meter on daily basis. Ang ordinansang ito ay ipinatupad ng hindi man lang nagkaroon ng public hearing sa mga apektadong residente. Kulang na lang po ay sabihan kaming magsialis na rito. Paano naman po namin kikitain ang ganoon kalaki para iupa sa market stall dito? Sana po ay matulungan ninyo kami. Salamat po.
0999830xxxx – Sir Raffy, pakitulungan naman po kami dahil ang kapatid ko ay binugbog ng isang pulis na may ranggong PO2 sa Cubao. Hindi po namin alam ang dapat gawin at kanino dapat lumapit.
Ang Wanted Sa Radyo (WSR) ay mapakikinggan sa 92.3 FM Radyo5, Lunes hanggang Biyernes, 2:00-4:00 pm. Kasabay na mapanonood ang WSR sa Aksyon TV Channel 41.
Para sa inyong mga sumbong maaari kayong mag-text sa 0908-87-TULFO o sa 0917-7-WANTED. At maaari ring personal na magsadya sa aming public service action center na matatagpuan sa 163-E Mother Ignacia Avenue, Brgy. South Triangle, Quezon City, mula Lunes hanggang Biyernes, 8:30 am – 5:00 pm.
Shooting Range
Raffy Tulfo