Micahel V., mahina na ang dating sa viewers?!

OGIE ALCASID and Michael V’s two week-old Sunday show in GMA is the result of the latter’s idea which he presented to the management. Kakaibang Bitoy ang napapanood dito, a far cry from his wide gamut of funny characters in Bubble Gang.

Kaso, mukhang hindi ito kinakagat ng mga manonood. Michael V, to be blunt about it, is not a host. To address his “inadequacy”, mas dadalasan na lang daw sa show ang mga segments ni Bitoy where he gets to play various characters. Still, he gets to host.

Pero dinig namin, kapag hindi pa raw nagklik ang show with Bitoy still doing hosting based on his original concept, expect a total overhaul.

Napanood namin ang una’t ikalawang sultada ng programang ‘yon, it’s Ogie who shines far brighter than his real-life kumpare in the hosting department. Tanggapin na lang ni Bitoy ang katotohanang there are limitations to one’s talent. He’s a fine comedy actor, period. As a host, lacking quickness on the uptake ay huwag na niyang piliting ilako pa ang kanyang sarili to non-buyers of his hosting commodity.

BASED ON its sequel  title, tunog-sci-fi ang ikalawang installment ng claim to fame to Eugene Domingo, ang  Kimmy Dora and the Temple of Kiyeme.  As if to capitalize on the latest computer game craze na Temple Run, mukhang  mahaba-haba at masalimuot din ang gagawing pagkaripas ng takbo ni Uge sa nasabing pelikula in pursuit of a continued success at the tills.

Not much changed in the cast, kaila-ngan pa rin ng komedyana ang  “hunk support” mula kina Dingdong Dantes at Zanjoe Marudo.  Kung pokpok ang dating ni Uge sa pakiki-paglaplapan kay Zanjoe, virgin-virginan naman ang drama niya in her kissing scenes with Dingdong.

Mas lumawak nga lang ang scope ng Part 2 nito with all the elements—from comedy to action to horror to romance to fantasy to drama—fused together. Kulang na nga lang yatang haluan ito ng pornography para wala nang hahanapin pa ang mga manonood.

Ramdam ni Uge na kung nakatsamba siya sa unang bahagi ng Kimmy Dora with her playing two opposite characters, mas pressured siya sa sequel nito. In recent memory, nanggaling ang hitad sa critically acclaimed at commercially successful na Ang Babae Sa Septic Tank, will she consistently score another box-office victory?

SUPORTADO NG mga TV5 executives na sina Chairman Manny V. Pangilinan, President at CEO Atty. Ray C. Espinosa  at Executive Vice President at COO Roberto V. Barreiro ang pagsabak ni Derek Ramsay bilang opisyal na sports ambassador ng istasyon sa London Olympics 2012.

Sa ginanap na contract signing sa First Pacific Leadership Academy, iginiit ng mga bossing ng TV5 ang mahalagang papel ni Derek sa layunin ng network na hikayatin ang mas maraming Pilipino na lumahok sa larangan ng palakasan.

Derek will lead the delegates from TV  in London this July para ihatid ang pinakamahahalagang pangyayari sa iba’t ibang sporting events sa Olympics, partikular na sa mga isports na lalahukan ng mga atletang Pinoy.

Samantala, Derek faces up to a string of challenges as host of The Amazing Race Philippines, which is expected to air before the yearend. Aniya, mahalagang parte ng paglipat niya sa Kapatid Network ang oportunidad na magamit niya ang kanyang hilig sa isports sa kanyang trabaho sa network.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleCarla Abellana, In; Sarah Lahbati, Out kay Richard G!
Next articleSangkaterbang showbiz na gustong pumasok sa pulitika, kaloka!

No posts to display