SANA NGA ay magsilbing aral na sa ilang Jamich followers na hindi lahat ng gusto nila ay dapat na mangyari. Una, obviously, walang pumatol sa ipinaglalaban ng ilan na gawaran ng “National Artist” ang tambalang Jamich dahil sa contribution daw nito sa mga kabataan.
Alam naming walang kinalaman dito ang Jamich, pero sila ‘yung naaapektuhan sa ka-jejehan ng ilang fans.
Dito naman kay Mich na nag-selfie video na nami-miss na daw niya si Jam at nahihirapan siyang maka-recover ay nawirduhan din ang marami.
Pati ang Hollywood actor na si Chuck Norris ay nairita na rin sa ginawa nitong si Mich na i-selfie video ang kalungkutan niya sa pagkawala ni Jam.
Actually, kung kami ang tatanungin, hindi na para mairita pa sa kanila. Gustuhin ko mang mairita na kunan nila nang kunan ng video habang naghihingalo ang tao na nasa hindi na kaiga-igayang itsura at kundisyon, kahit nakaiirita, hindi na rin para bigyan ko pa ng gano’ng feeling.
Kasi, to begin with, kilala naman ang Jamich sa pagpo-post ng kung anu-anong video tungkol sa love affair nila at kung anu-ano na naka-gain din ng followers sa social media.
So in other words, nagiging consistent lang naman sila. Baka nga naman ‘yung pagbi-video ng naghihingalong si Jam ay gusto lang nilang makarating sa mga nagmamahal na tagahanga (thru social media especially YouTube) ang tunay na kundisyon ng kanilang iniidolo dahil nga hindi sila makadalaw sa ospital.
After all, ang Jamich naman talaga ay tinaguriang “YouTube sensation,” di ba?
Oh My G!
by Ogie Diaz