DIRECTOR MIKE DAGÑALAN is a compatriot from Bicol who shape of an experimental film involving a reality that happens to us. The interview transpired during the Cinema One Originals 2010 presscon in ABS-CBN. I never even considered that he’s still part of the newcomers because he climbed the heights of success and dreams through embarking on independent filmmaking. Kaya naman nasungkit ni Direk Dagñalan at ng pelikulang Layang Bilanggo ang Best Picture, Best Director, Best Actor at Best Screenplay kasama ang tatlo pang major awards.
ANG LAYANG BILANGGO ay kuwento tungkol sa araw-araw na buhay ng mga ‘abandoned senior citizens’ na nakatira sa ‘home for the aged’. At dito ay naibahagi ang isang rebelasyon ng isang kapalaran ng isang ‘hired gun man’ at ang iniwang anak na babae. Ang mga gumanap sa palabas ay sina Pen Medina, Miriam Quiambao, Jaime Fabregas, Sue Prado, Archi Adamos, Mailes Kanapi, Ama Quiambao, Lui Quiambao-Manansala, Hermie Concepcion, Pocholo Montes, Johnny Barnes.
Tiniyaga kong panoorin at i-review ang pitong pelikula at masasabi kong nagpakita ang mga ito nang kanya-kanyang galing. Para sa akin, importante ang isang kuwento sa isang pelikula, short film man ito o full-length. Ngunit importante pa rin sa lahat ang obra ng cinematography dahil ito ang nagbibigay-buhay para sa appreciation ng mga manonood ng films.
Nu’ng nagpakilala ako Kay Direk Mike at binigyan ng calling card, nakita niya ang mukha ko roon at tanong nya, “Idol n’yo ba si Che Guevarra?” Ah, nagkataon lang siguro. Minsan napagkakamalan din akong si Carlo Caparas daw.
Ano ang nag-udyok sa ‘yo na gumawa ng indie film na ganito? Laki ka ba ng slum? Depressed area or what? “Ah hindi po. Ang kuwento ng Layang Bilanggo eh, ‘yung nagsimba kami d’yan sa Timog, may nag-alay ng kanta na mga ex-convict. Ayu’n nakakaantig ‘yung kanta nila. Naisip ko that time, siguro sa pagiging Kristiyano ko na rin na kailangan nila ng kaunting boses. Hindi naman sa naka-relate, siguro naintindihan ko ‘yung kanilang hinaing na ang hirap palang bumalik sa lipunan. Kahit halimbawa bumait na sila gusto nilang magbago, pero ang lipunan eh unforgiving.”
May research ka ba nito bago mo inumpisahan? “Ah, meron naman po. Kasi ‘yung una kong trabaho eh, sa docu-drama.” Ah, writer ka? “Ah, writer po ako,’yun talaga ang gusto kong maging. Sa ‘Kabalikat Mayor Lim’, Channel 2 rin. Then ‘Katapat’, then ‘Kabalikat’ bago nawala.”
Pumunta ka ba ng Muntinlupa? “Nakapunta po ako. Tapos nagtrabaho ako kay RamonTulfo. Nu’ng una, productions, kasi gusto ko rin ng productions as AD, then later on as writer. Kasi public service ‘yun, so na-expose ako sa docu-drama na halaw. So, pagsusulat ko po eh, laging inspired by true events. Kasi parang na-invade na tayo ng kulturang Hollywood. At hopefully iyong mga pelikulang ganito eh, suportahan.”
Ilang buwan din ninyong ginawa? “Actually ‘yung kwento, subliminally nandu’n na po siya nang matagal na. Sinimulan namin siya ng mga dalawang taon na, tapos isinali namin sa Cinema One at tinanggap. Pero ‘yung production proper, limang araw. Iyong editing one week.”
Thank you direk! And who knows one day, maging mahusay ka ring direktor! Aasahan kong maging mga matatagumpay na baguhang direktor kayo ng ating pelikula. “Salamat po.”
Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.
Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.
For comments and suggestions, e-mail: orobiakpp[at]yahoo.com and/ or maestrorobiaparazzi[at]yahoo.com.
ni Master Orobia