BIDA ang beteranong aktor na si Michael de Mesa sa pelikulang Marineros: Men In The Middle of the Sea. Almost four decades na siya sa showbiz at ngayon lang ulit nabigyan ng pagkakataon na maging lead actor sa isang pelikula.
Ayon sa actor-director, hindi na niya matandaan kung ano ang huling pelikulang ginawa niya na siya ang bida.
“Actually, it’s very, very seldom that I get yung lead roles na sa akin talaga tumatakbo yung istorya. But it’s always been like a major supporting role na minsan matatawag mong lead/support, pero yung lead talaga, I can’t remember, it’s been a while na talaga,” wika ng aktor.
Bagama’t hindi madalas magbida ay masaya naman daw siya sa tinahak ng kanyang showbiz career.
“I’m very happy sa takbo ng career ko ngayon, kasi eversince, hindi ako talaga namili ng role whether it’s a supporting or a lead role. Kahit ano pa yan gagawin ko.
“I did not limit myself also to certain characters. I became very, very open sa lahat. Kung anuman yung dumating sa akin at alam kong kaya ko, gagawin ko. Kaya rin siguro napagkakatiwalaan ako na bigyan ng iba-ibang role kasi nagagampanan ko din naman,” katwiran ng award-winning actor.
Hindi rin daw niya pinangarap ang maging sikat na “star” noon dahil ang gusto niya lang ay maging actor at umarte.
“I’ve never really dreamt of being a star,” giit niya. “I’ve always wanted to be an actor and that’s how I establish myself, kumbaga, as an actor. So, in terms of how my career is growing I’m very, very pleased with it, I’m very, very happy at hanggang ngayon nabibigyan pa rin ako ng trabaho,” lahad pa niya.
Nagsimulang mag-artista si Michael taong 1973 kaya 46 years na siya sa industriya. Isa sa hindi malilimutang pelikulang ginawa niya ay ang controversial film na Unfaithful Wife kung saan nanalo siyang best actor sa Gawad Urian.
Kasama niya sa Marineros sina Ahron Villena, Jon Lucas, Valerie Concepcion, Claire Ruiz, Paul Hernandez at marami pang iba. Ang pelikula ay sa direksyon ni Anthony Hernandez at palabas na sa Sept. 20.
La Boka
by Leo Bukas