ONE YEAR nang sumakabilang-buhay si Mark Gil pero hanggang ngayon ay ‘di pa rin daw matanggap ng kapatid na si Michael de Mesa.
Last September 1, ang first death anniversary ni Mark Gil. Pero sadyang hindi pa rin raw mawala sa isip ni Michael ang pagkamatay ng kapatid.
“In my case, personally, I haven’t really accepted the fact that he’s gone. We’re all coping,” pahayag ni Michael nang makatsikahan namin sa grand presscon ng Destiny Rose.
Ang mga anak ni Mark na sina Andi Eiegemann, Sid Lucero, Gabby Eigenmann, Ira at Stephanie Eigenmann, at Max Eigenmann ay nag-post ng kani-kanilang mensahe para sa kanilang namayapang ama via social media.
Ganoon din ang kapatid ni Michael na si Cherie Gil na nag-post ng tribute kay Mark sa kanyang Instagram account.
At the age of 52 nang sumakabilang-buhay si Mark dahil sa sakit na liver cancer.
Ayon pa kay Michael, nagkaroon lang ng simpleng get-together ang pamilya Eigenmann noong death anniversary ni Mark. Magkakaroon pa rin daw sila ng isa pang get-together sa birthday ni Mark sa September 25.
“I really miss him, I miss everything about him and I miss the totality of him, who Ralph was and who Ralph is,” say pa ni Michael.
Samantalang sa Destiny Rose, gagampanan ni Michael ang isang gay philanthropist na may malaking kinalaman sa pag-transform ni Ken Chan bilang isang transwoman sa serye. Gusto ni Michael na magkaroon sila ng maayos na communication ni Ken dahil marami silang eksenang magkasama.
“I always believe in open communication between actors, it’s a collaboration. We haven’t got the chance to really bond yet. I only met him once pa lang, so I’m sure I’m gonna have a good time working with him.”
‘Di nga ba, mas lalong hinangaan si Michael dahil sa galing umarte bilang gay sa TV, pelikula, at maging sa entablado?
Sagot niya sa mga nag-iintrigang na kapag lumabas ka raw na isang bading sa TV or pelikula at nagampanan mo ng husay at tama ang role na isang bading ay pagdududahan na ang gender ng isang actor: “Ako, ‘di magiging sagabal or makaaapekto sa pagkatao ko kung lumabas akong bading sa isang pelikula or teleserye. As long na alam mo kung sino ka at ano talaga ang pagkatao mo ay wala kang dapat ipag-alala o ikatakot,” pagdidiin pa ni Michael.
Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo