SA MGA nagpapantasyang girls and bekis sa guwapong “Bagong Kilabot ng mga Kolehiyala” na si Michael Pangilinan, heto na marahil ang project na aabangan ninyo.
Yes, napapayag din sa wakas ang singer na nagpasikat ng awiting “Pare, Mahal Mo Raw Ako” na isa na ngayong pelikula mula sa direktor na si Joven Tan na siya ring nag-compose ng naturang awitin na naging instant hit dahil sa “beki” peg ng kanta.
Sa first shooting day ni Michael, sabak kaagad ang binata sa very gay scene, kung saan kinunan ang eksena nila ng aktor na si Edgar Allan “EA” Guzman sa loob ng comfort room.
Kung hindi ako nagkakamali, CR ‘yun sa bar scene ng dalawa kung saan suportado sila ng mga beki friendly na sina Joross Gamboa (may gay film siya with a Thai actor recently) at ni Matt Evans na sa isang eksena na nasaksihan namin, tila magkarelasyon sina Joross at Matt na kaibigan naman ni EA.
First time ang seryosohang desisyon ni Michael na subukan ang pag-aartista. “The movie is based on his hot song,” sabi ng manager niya na si Jobert Sucaldito kaya napapayag siya na pag-artistahin ang alaga sa project na ito.
Basically, si Michael is a singer. Noong una, ayaw niya dahil siya mismo, sinasabi niyang kabado siya. “Magko-concentrate na lang ako sa singing dahil du’n ako sigurado. Itong acting ko sa pelikula ni Direk Joven, subok lang,” kuwento ni Michael sa amin nang dalawin namin siya sa first shooting day niya sa Malolos, Bulacan.
Sa hectic schedule ng binata, mabuti’t naisingit ang shooting niya na kung ‘di ako nakakamali, 2 times a week lang siya para mag-shoot dahil he has to do a lot of things as a singer.
Like ang series of shows niya sa PAGCOR Casinos nitong July, starting with Bacolod (July 6, tonight); Iloilo (July 8); Mactan, Cebu (August 6); Malabon (August 7); Biñan (August 2); Hyatt (September 3); and Madison(Septemer 4). Makasasama ni Michael as his musical director si Ivan Lee Espinosa sa series of shows na ito ng binata.
Aside from this, Michael will portray the lead in the musical “Kanser@35” mula sa Gantimpala Theater Foundation in celebration of their anniversary.
By August, naka-schedule na ring i-release ang 2nd album ni Michael under Star Music.
Pero ang pinakabongga na dapat abangan ng followers niya ay ang “Kilabot” concert niya on August 29 kasama ang original “Kilabot ng mga Kolehiyala” na si Hajji Alejandro as his special guest.
For Michael’s free shows, catch him sa Regine Series ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez sa mga malls. Last Saturday, Micahel was special guest again ni Regine sa Market Market na very supportive sa kanyang career.
“I’m very grateful sa tiwala na ibinigay ni Ms. Regine sa akin na after ng duet namin ay siya ang magpapakilala sa akin,” kuweto niya sa amin during shooting break.
Reyted K
By RK VillaCorta