Happy kami dahil sa kabila ng sagad-sagarang schedules ni Michael Pangilinan ay nakayanan pa niyang mag-rehearse sila ni Angeline Quinto para sa “Himig Handog 2016 P-Pop Love Songs” na naganap sa Kia Theater last night (Sunday, April 24) para maipanalo ang ginawa nilang interpretasyon ng komposisyon ni Marlon Barnueva sa kanyang love song na “Parang Tayo Pero Hindi”.
Congarts sa composer na si Marlon na nagwagi as 5th Best Song kagabi.
Sa totoo lang, ang galing ng interpretation nina Michael Pangilinan at Angeline Quinto sa komposisyon. Lalo na si Michael na bigay na bigay sa kanyang “soulful” interpretation ng kanta.
Other winner includes: “Tama Lang” by Agatha and Melvin Morallos interpreted by Jolina Magdangal as 4th Best Song; “Laban Pa” by David Dimaguila interpreted by KZ Tandingan featuring Jay-R as 3rd Best Song; “Monumento” composed by Jungee Marcelo and interpreted by Kyla and Kris Lawrence as 2nd Best Song; while ang grand winner ay ang komposisyon na “Dalawang Letra” ni Davey Langit interpreted by Itchyworms na nanalo as 1st Best Song at nag-uwi ng halagang P1 million ang composer.
Out of 2,000 entries, not bad kung napasali ka sa top 15 entries.
Hindi man nanalo ang latest and hottest love team nina Bailey May and Ylona Garcia sa in-interpret nilang komposisyon; winner naman ang dalawa sa apat na special awards. Not bad para sa kanila for starter.
Reyted K
By RK VillaCorta