Open-minded si Michael Pangillinan. Hindi naman siya ‘yong tipo ng showbiz personality na ‘pag kabaklaan at tungkol sa mga bakla ay iwas-pusoy na siya.
Kaya nga love na love siya ng mga kaligang bekilou, dahil sa napaka-wide ng pag-unawa niya sa mga ito.
Kung para sa iba, ang mga beki ay kaipokritohan na hands-off sila, si Michael Pangilinan, open sa idea na “baka” ‘pag nagkataon ay p’wede siyang makapag-relasyon sa isang beki.
Sa first film acting ni Khiel, he plays the role of Red na ang bestfriend niya (played by Edgar Allan Guzman na isang tagong beki or closet queen) ay in love sa kanya.
“Mga tao rin sila. Bakit ko naman sila iiwasan? Sa showbiz, ang dami kong gay friends. Ang manager ko bading, ang mga kaibigan niya, mga beki rin. Hindi naman po ako ipokrito na ang bading, gusto lalaki. Pero ‘yong mga nakikilala ko naman, respetado sila at hindi nangha-harass,” kuwento ni Khiel sa amin.
Sa pelikulang “Pare, Mahal Mo Raw Ako” sa direksyon ni Joven Tan (showing na ngayon, June 8), tungkol sa “relasyon” ng beki sa lalaki ang topic na para sa amin as gay rights advocate, naniniwala na ang mga beki ay hindi dapat iwasan.
Wala mang karanasan sa pakikipagrelasyon sa bakla, “Hindi ko isinasara ang possibility na baka dumating ang time na susubukan ko or makikipagrelasyon din ako. Pero sa ngayon, wala,” pahayag ng singer.
Dagdag pa niya, “Sana dumating ang time na ang lahat ng tao, maiintidihan ang feelings ng gays para hindi nila saktan emotionally.”
“Tulad ko, mas naiintidahan ko ngayon ang tunay nilang feelings after doing this movie,” paliwanag niya.
Sa pelikula, bukod kina Khiel at EA, malaking suporta rin sina Joross Gamboa at Matt Evans na bugoy na bugoy ang mga karakter na nakadagdag-humor sa pelikula.
Kabilan din sina Nora Aunor at Ana Capri (as the lesbian couple) at mga baguhan na sina, Katrina Legaspi, Miggy Campbell, at Nikko Seagal (#Hashtag member of “It’s Showtime”).
Reyted K
By RK VillaCorta