ISA SIYA sa mga guwapong baguhang singer. Bukod sa may tindig, maganda ang boses ni Kiel. Kaya naman nang i-offer sa kanya ng composer na si Joven Tan na siya ang mag-interpret ng awiting “Pare Mahal Mo Raw Ako” na isa sa mga entry sa darating na Himig Handog P-Pop songwriters’ competition come September, hindi nagdalawang-isip si Michael Pangilian at ang manager niyang si Jobert Sucaldito na tanggapin ang hamon.
Sa titulo kasi ng kanta, tipong may intriga na. The song that talks about two men loving each other ay tila taliwas sa norms ng konserbatibong lipunang Pinoy.
Pero it’s a breakthrough na oks lang naman lalo pa’t confident naman si Michael sa kanyang sexuality, na kahit makilala man ang awitin niyang maging gay theme song ng mga beki at bisexuals, confident ang singer.
Sa music video shoot last week, makikita na nagbibisikleta si Michael kasama ang “pare” niya sa UP Sunken Garden.
Pero mas nakaiintriga ang isa sa mga eksena ng music video dahil balita naming may bed scene (tama ba Richard Pinlac?) si Michael with a male friend.
Pero para sa LGBT community, masaya na tinatanggap nila ang pagbibigay-importansya ni Michael sa feelings ng mga LGBT. Sabi nga ni Bemz Benedito, isang LGBT advocate: “We thank Michael and the composer sa pagbibigay-importansya sa gay love.”
We just hope na sa paglabas ng video, walang protesta na magaganap from the CBCP at mga manang ng simbahan.
By the way, catch Michael every Tuesday sa MOR as DJ Chacha’s co-host at ang concert ng binata sa darating na Thursday sa Teatrino Greenhills with Prima Diva Billy, Rochelle Pangilinan and Sam Milby as guests.
Good luck, Michael!
Reyted K
By RK VillaCorta