Being a gay movie, “Pare, Mahal Mo Raw Ako” offers enlightenment sa mga closet queens.
Well, that’s according to Michael Pangilinan who plays a guy na lihim palang pinagnasaan at inibig ng kanyang best friend played by Edgar Allan Guzman.
“Ako, kung nagtatago po kayo, kung paminta man, buo o durog o kahit ano man na uri ng pangatlong lahi, hindi ko sinasabi sa inyo na panoorin ninyo dahil iyan kayo, na porke’t LGBT kayo ay panoorin ninyo ang movie. Kung mahal n’yo ang best friend ninyo, feeling ko makatutulong ito para malaman ninyo ang mga possibilities kapag sinabi ninyo (na mahal ninyo ang best friend ninyo) or kapag ganito ang ginawa ninyo. Depende rin kasi sa tao kung ano ang relasyon niya sa partner niya o sa nagugustuhan niya,” say niya.
“Pero may aral talaga na kung mahal mo o meron kang itinatago sa puso mo na ang feeling mo ay makapagpaluwag sa nararamdaman mo, hindi mo kailangang i-deprive ang sarili mo sa kasagutan na hinahanap mo.
“Sabi ko nga, may mga risk lang talaga na kapag inamin mo ay may mga lalaking hindi ka ma-take, iaalis ka na lang agad kahit na gaano kayo katagal. At meron din namang mga lalaki na kayang tanggapin na umamin kayo kasi gusto lang ninyong mag-release (ng saloobin) at alam ng mga lalaki na hanggang doon lang at kailangang respetuhin kita dahil mas pinipili ko ang friendship natin,” dagdag pa ni Michael Pangilinan.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas