Almost five years na pala ang singing career ng anak-anakan naming si Michael Pangilinan. After all those years, ang dami na niyang na-achieve. Parang kalian lang. Ang bilis ng panahon.
Medyo patpatin pa nga ang pangangatawan ni Michael noon, kung saan after the lanky years niya, mas sexy na sa looks ang “Bagong Kilabot ng mga Kolehiyala”.
Ang dami nang ganap sa karir ni Khiel (palayaw ng singer). The latest sa singing career ni Khiel ay ang pagkakaroon niya ng pangalawang music CD-album mula sa Star Music, na hindi lahat ng singers na nangangarap makilala ay nagkakaroon ng pagkakataon na maging isang Star Music artist.
Bukod kasi sa pagiging solo artist, kabilang din si Michael sa cutie quartet na Harana, kasama sina Joseph Marco, Bryan Santos, and Marlo Mortel, na produkto rin ng Star Music.
At the album launch last Saturday, we love the first two songs na kinarir ni Khiel sa sarili niyang version.
Tawag niya sa style ng pagkanta niya ay R&B Soul na nakapaloob sa kanyang album na “Michael” with his shirtless photo na sumisigaw ang mga tattoo sa katawan na cover ng kanyang 2nd album.
Kung dati, ang istilo niya ng pagkanta, he called it R&B Pop. We like his R B Soul version ng bagong kanta na nakapaloob sa naturang album.
We love his revivals ng kanta ng sikat na grupong Bread in the late 60’s at ang sarili niyang version ng super hit na “Ayoko na Sana” ng unang Kilabot ng mga Kolehiyala na si Ariel Rivera at the time na rumaratsada ang kanyang karir, na akmang-akma naman ngayon sa imahe ni Michael na sexy, macho, strong.
Sa LGBT fans niya na nagustuhan ang awitin ni Khiel na handog niya sa mga beki at lesbo community, may sagot na ang awiting “Pare, Mahal Mo Raw Ako”, na love ng LGBT community at like namin personally, via the song “Pare, Mahal Naman Kita”.
Minsan, napag-usapan namin ng kaibigang Jobert Sucaldito (manager ni Michael) ang tungkol sa schedules ng alaga niya. Hindi raw magkamayaw ang sunud-sunod na singing engagements ni Khiel. “Halos araw-araw, may booking siya,” kuwento ni Jobert sa amin.
This coming Saturday, October 15, nasa Bacolod City si Michael para sa Masskara Festival para mag-serenade ng beauty contestants ng Masskarra Queen 2016. The following day, Sunday, October 16, straight from the airport ay diretso si Khiel for the presscon of Powerhouse Concert na pangungunahan nina Arnel Pineda, Morisette, at 4th Impact na gagawin sa The Theater at Solaire on October 28.
After the presscon, diretso si Khiel sa kanyang rehearsal with Marion Aunor para sa concert naman ng dalaga sa 19 East Bar and Grill in Sucat, Parañaque City.
Kaloka, super hectic ang schedule. ‘Di ko kakayanin.
Reyted K
By RK VillaCorta