LIKE OVERINDULGENCE in spirits, hanggang ngayon ay may hangover pa kami ng pagkadismaya over the results of the Himig Handog P-Pop Love Songs na idinaos noong Sunday.
Ang aming bet early on—Joven Tan’s Pare, Mahal Mo Raw Ako? interpreted by Michael Pangilinan—was unfairly snubbed.
Our ear for music would not betray us: ‘di hamak namang Tan’s entry which Michael gave justice deserved to win. We couldn’t help but ask: natalo ba ang awiting ‘yon dahil sa tema nito tungkol sa lihim na pagtingin ng isang lalaki sa kapwa lalaki?
Is mainstream music not yet ready para sa isang seryosong awitin tungkol sa ibang mukha ng pag-ibig, o pretensiyoso lang ang ilan sa judges (with the exception of Boy Abunda, of course)?
But if it was any consolation, dalawang matataas na tao sa industriya ng TV ang kumausap sa kaibigang Jobert Sucaldito, manager ni Michael.
Una, si Mr. M (Johnny Manahan) na puring-puri si Michael dahil sinunod nito ang blockings while performing. Ikalawa si ABS-CBN President and CEO Ms. Charo Santos Concio who remarked, “Michael has a very bright future in the music industry.”
SA BATAS, it’s better to free 10 guilty persons than jail an innocent one. Hindi man sang-ayon ang karamihan dito, that’s what the law—despite its loopholes—says.
Pero kung si PAO Chief Persida Rueda-Acosta ba ang tatanungin, is she in favour of the reimposition of death penalty?
In such rare times na nakakaharap ng prangka’t palabang abogada ang entertainment press, her personal anecdotes are never without any single reference sa kanyang isprituwal na gawain, this she’s able to squeeze into her toxic schedule.
Her firm stand: a resounding NO to death penalty. Aniya, not all who are sentenced to die are guilty. Kaya naman bilang isang practising Christian, isinusulong niya ang life sentence, let the convict suffer—and fell sorry—for the offense na kanyang ginawa.
ISMOL FAMILY celebrates the return of Majay from Dubai. Excited ang lahat except for her husband Jingo na laging nahaharang. Dahil kakabalik pa lang ng asawa, gusto nitong masolo ang asawa.
Dahil matagal ding nawala si Majay sa Pilipinas, nanibago rin siya dahil marami na ring nagbago sa kanyang nakasanayang gawin. Kung dati ay “Majay Rules!”, ngayon, “Ismol Family Rules!” Not only is there a change in house rules, even Majay’s behavior has changed.
Will this lead to Jingo’s discovery tungkol sa ugali ni Majay? Will Majay choose to stay for good, o pababalikin siya ni Mama A sa Dubai?
Find out the answers in this Sunday’s episode of Ismol Family, 6:45 p.m.
ALL SYSTEMS go for the second season of The Amazing Race Philippines (TARP) na eere simula Lunes, October 6, 7:00 p,m, sa TV5.
Hosted by Derek Ramsay, 11 na pares ng contestants ang mapalad na nabigyan ng pagkakataon magkaroon ng once-in-a-lifetime adventure na mapasama sa most awarded reality show sa buong mundo.
Competing for a total of P10 million in prizes are the sexy besties na sina RR Enriquez at Jeck Maierhofer, blonde sisters Tina and Avy Wells,chefs Eji Estillore and Roch Hernandez, ex-couple Matt Edwards and Phoebe Walker, Team Juan Charlie Sutcliffe at Daniel Marsh, mag-amang AJ at Jody Soliba, nerds Vince Yu at Ed Maguan, travel pals Zarah Evangelista at Osang de la Rosa, Mr. Pogi na sina JP Duray at Kevin Engles, magkapatid na Jet at Yna Cruz at Pinay world champs Gretchen Albaniel and Luz McClinton.
Mapapanood din ang TARP tuwing Sabado at Linggo, 9:00 p.m.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III