NATAWA AKO sa tanong ng isang beki na mahilig din sa kapwa beki. In short, ang kaibigan ko, ang peg sa kanyang mga sexcapades at lovelife ay tipong “bromance”. ‘Yong ang type ay Bi to Bi (read: bisexual) or mga bakla na mukhang lalaki, bakla na kung magkikilos ay lalaki na wala kang makikita o mararamdaman na bahid ng kabaklaan sa stereo-type na mga beki’s na maiingay, mahahaba ang mga pilik-mata at tipikal bakla na nakasanayan ng lipunang Pinoy.
“Bakla ba si Michael?” Michael who, balik tanong ko sa kanya.
“Si Michael Pangilinan. Peg ko kasi siya. Siya ‘yong kumanta ng kontrobersiyal na entry sa Himig Handog na pang-beki.”
Sagot ko sa kaibigan ko, straight si Michael. Hindi siya pang-bromance. Lalaki siya, barako. Mahilig sa babae. Ligawin nga ng mga babae na sinasabihan siya at pinapaalalahanan palagi ng manager niya cum “nanay” na si Jobert Sucaldito na mag-ingat dahil sa murang edad niya ay baka makaisa siya at sumabit.
Sa Miyerkules, November 26, Michael will be celebrating his 19th birthday with a concert at the Music Museum. His first at the Museum after he started a career in singing almost two years ago.
Sa totoo lang, hindi mawaglit ang imahe na ‘yun na beki si Michael, dahil sa music video niya sa awiting “Pare, Mahal Mo Raw Ako” na ang storyboard ay tungkol sa dalawang magkaibigang lalaki na ang isa ay may lihim na pagmamahal sa kanyang bestfriend.
Naging kontrobersiyal ‘yong awitin na para sa mga LGBT community na sumuporta sa mga text votes (during the Himig Handog Competion) at bumili ng CDs, dahil breakthrough ito sa music industry na ang isang awitin about “Bromance” ay nagkaroon ng commercial airplay na hindi nakasanayan ng Pinoy.
After the competition, maraming naganap sa career ni Michael. After several shows after the competition, he invades the Music Museum for the first time in his almost two years career in showbiz.
Hindi man nanalo ang komposisyon ni Joven Tan na siya ang interpreter, malaki ang naitulong ng awitin para mas lalo siyang mapansin.
Yes, there is more exciting life after Hiimig Handog 2014 Competition. Ang dapat sana ay promotion lang para sa HH 2014 na radio co-hosting niya with DJ Chacha sa MOR every Tuesday, at matagal nang natapos ang labanan, naging special co-host na every Tuesday (9PM to 12 Midnight) ang binata.
Ang isa sa malaking tulong kay Michael ngayon ay ang pagiging regular guest niya (once a week) sa morning show ni Kris Aquino na Kris TV, kung saan nagkakaroon siya ng chance na kumanta para ipamalas sa milyon-milyong mga supporters and fans ni Tetay ang galing at talino niya sa pag-awit.
Kung ilang milyon man ang viewers at fans ni Kris, malamang ‘yun na rin siguro ang bilang ng mga tagasubaybay sa career ng binata.
Sa darating na Wednesday concert niya, dadayo ang isang grupo ng mga beki na ang hilig ay mga kapwa beki. In short, mga Bi’s na mahilig sa mga Bi’s. Gusto nilang makita in person si Michael.
“Type namin siya as a singer at siyempre, mas type namin siya sexually,” ang walang kagatol-gatol na pahayag ng kaibigan namin.
But sorry mga beks, tulad ng palaging sinasabi ni Michael sa mga beki friends and supporters niya, “Hindi po tayo talo. Mas maganda na friends’ lang tayo.” Nangingiting pahayag ng birthday boy.
Sa “MICHAELabot Ng Mga Kolehiyala (It’s My Time, Pare)”; special guests sina KZ Tandingan, Marion Aunor, Prima Diva Billy, Luke Mejares, Jimmy Bondoc, Jay-R and Aljur Abrenica. Show starts at 8:00 in the evening.
Reyted K
By RK VillaCorta