Happy for our anak-anakan at nakapasa siya sa pamantayan namin sa first acting job niya in the film “Pare, Mahal Mo Raw Ako” with Edgar Allan Guzman.
Hindi namin inaasan na marunong palang umarte si Khiel.
Hindi man talaga siya aktor dahil Michael Pangilinan is more of a singer, nagkalakas ng loob Khiel na subukan ang ibang field ng showbiz na for the first time, marami ang nagkagusto sa kasimplehan ng pag-arte niya bilang bestfriend ni Edgar Allan na gumaganap as a closet gay na in love sa kanya.
Kaswal ang acting ni Michael Pangilinan. Alam mo na hindi aral ang pag-arte niya at ang kasimplehan ng interpretasyon niya sa bawat eksena ay swak sa inaasahan namin.
Yes, ngayon, pinatunayan ni Michael Pangilinan na marunong din pala siyang umarte. Hindi lang siya isang magaling na singer kundi isa na ring artista.
Pero naalala ko ang kuwento ng manager niyang si Jobert Sucaldito na singing pa rin ang concentration ni Michael. “Until we’ve reached the peak of his singing career, baka roon pa lang talaga siya p’wedeng gawin ang pag-arte or pag-aartista.
“I still believe kasi na dapat para sa isang baguhan, mag-concentrate ka sa isang bagay or talent mo. Alam natin na hindi artista ang anak ko. Singer siya kaya nag-decide lang kami na gawin niya ‘yong role sa ‘Pare, Mahal Mo Raw Ako’ dahil siya ang kumanta ng composition ni Joven Tan na siya ring nag-direk ng movie,” kuwento ni Jobert sa amin.
Sa acting debut ni Michael; sinuportahan siya nina Joross Gamboa and Matt Evans (na aliw kami sa pagiging komikero nila sa pelikula); Miggy Campbell, Ana Capri, and Ms. Nora Aunor.
Ang buong assestment namin sa gay themed film na “Pare Mahal Mo Raw Ako” ay isa itong pelikulang sexy, funny, and witty.
Very positive ang pelikula para sa bawat mga kafatid nating mga beks like Ang Ladlad, Kafederasyon, Akbayan LGBT Collectives, ProGay and other gay groups and friends should support. Dapat manood si Manny Paquiao ng pelikulang ito para mabago ang pananaw niya sa mga beki. Mabuhay ang LGBT!
Reyted K
By RK VillaCorta