Culture trip ang peg ko last weekend.
Saturday evening, I attended PETA’s “A Game of Trolls” bagong musical play na sinulat ni Liza Magtoto na dinirek naman ni Maribel Legarda bilang bahagi ng kanilang 50th year celebration. Nagkita-kita kami nga mga kaibigang Ibarra Mateo (na nag-walk-out before the show dahil sa sobrang late na nagsimula ang palabas) at Danny Vibas.
Teaser lang ‘yong napanood namin noong Sabado na inilahad para maintindihan. lalo ng millennials, kung ano ang mga kaganapan noong panahon ng Martial Law.
Sa panahon ng “Marcos Tuta! Marcos Diktador!”na slogan noon during rallies, hinabi ang mga kaganapan ng pang-aabuso, pagpatay, at pagnanakaw ng cronies ng rehimeng Macoy.
Akma sa kabataan na hindi naranasan ang Martial Law, na para sa amin, kapag nabuo na ang musical play (sa April 2017 ipalalabas), swak na swak na re-education para sa mga bagets kung ano ang una nilang impresyon tungkol sa diktador.
Linggo naman for a change, apir kami ng kaibigang Jobert Sucaldito, kasama sina Julie Bonifacio and Boy de Leon (of Dyaryo Aguila) sa CCP para panoorin ang musical play honoring the music of VST & Co. sa Main Theater na pinamagatang “Awitin Mo, Isasayaw Ko” ng Ballet Philippines.
Bidang lalaki si Michael Pangilinan na hindi rin nagpatalo sa kanyang rendition ng awitin ng VST & Co. na kinanta ni Marvic (Vic Sotto) na “Ipagpatawad Mo” na sikat na sikat noong late 70’s.
Nakatutuwa si Michael sa diskarte niya sa sing and dance performance niya.
Aminado si Khiel (palayaw ni Michael) na hindi siya dancer kaya medyo hirap sa movements niya, pero bawi naman sa galing sa pagkanta.
Sa Facebook account ni Jobert na manager ni Kiel, sinulat nito: “I can’t help but cry (tears of joy) dahil ang galing-galing ng anak nating si Michael Pangilinan sa pag-awit at pagsayaw along with Karylle, Markki Stroem, Ballet Philippines and ABS-CBN Philharmonic Orchestra sa ilalim ng baton ni Maestro Gerald Salonga.
“Nakaka-proud ang baby nating si Michael dahil kahit hindi niya genre ang VST songs of the late ’70s ay naitawid niya ito nang mahusay – with flying colors pa kamo.
“His Ipagpatawad Mo, Ikaw Ang Aking Pasko and Awitin Mo, Isasayaw Ko are revelations. Nakapanindig-balahibo sobra. Nakakaiyak on my part dahil all these years ay hindi ko malubos-maisip that my baby Michael will come this far as a performer. Can’t be prouder as his “nanay”.
“Nakatutuwa ang comment ni Ma’am Ging Reyes, ang head ng Integrated News and Current Affairs namin sa ABS-CBN – “magaling pala itong si Michael Pangilinan. Kaya pala palagi mong pinipilit na ma-guest sa DZMM mahusay naman pala talaga. It really paid off”.”
Pagpapatuloy pa ni Jobert: “Ayaw nila kasing maniwala sa akin eh. Pero deep inside my heart, natuwa ako sa comment ni Ma’am Ging Reyes. Someone kasi from our network used to be hard on Michael (I don’t know kung until now) kaya isa itong malaking vindication dahil galing kay Ma’am Ging na mismo ang statement.”
Good news sa fans ni Michael dahil gagawin niya ang “Maynila: Sa Mga Kuko Ng Liwanag, The Musical” under the direction of Joel Lamangan in 2017.
Kung maalala pa, first stage musical ni Michael was under Gantimpala Foundation, ang “Kanser @ 35” na sinundan nga nitong dance-musical ng Ballet Philippines, na sayang nga lang at hindi masyadong nai-promote ng ABS-CBN Events, na ewan ko kung bakit.
At the matinee performance nina Kiel with Karylle and Markki, nanood sina Ms. Lea Salonga, Jhong Hilario, and Miss Universe 1973 Margie Moran.
Heard from Igi Bumagat of ABS-CBN Events na sa 6 pm performance last night ay naka-schedule manonood sina Ms. Charo Santos, Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon (the brains behind VST & Co.).
Abangan sa January 7, 2017, si Michael ay may concert sa Music Museum na “Sincerely Yours, Michael” with Arnell Ignacio and Ai Ai delas Alas.
Bongga ang opening salvo ng singer for 2017. Good luck, Khiel!
Reyted K
By RK VillaCorta