EIGHT YEARS old, kumakanta na sa simbahan si Michael Pangilinan. Mismong ang father nito ang nagsabi sa kanya na may talent siyang maging isang sikat na singer. Hindi lang ballad song ang kaya niyang awitin, marunong din siyang mag-rap tulad ng kanyang idol na si JayR. Malaki rin ang paghanga ng binata kina Janno Gibbs at Brian McKnight.
Na-realize ni Michael ma puwede pala siyang maging isang sikat na mang-aawit. Kailangan lang ng self-determination para matupad ang kanyang mga pangarap. Kaya’t todo ang ginawa niyang pagpa-practice para lalong ma-develop ang kanyang golden voice.
Sa husay at galing ni Michael sa pag-awit, na-impress agad sa kanya si Jobert Sucaldito nang awitin niya ang “Dance with My Father” on stage with Gladys at Zirkoh comedy bar. Agad-agad na kinausap ng movie columnist/ radio aunnouncer/talent manager ang binata para tulungan ito sa kanyang singing career.
“Sobrang thankful ako kay Nanay (Jobert) sa tiwalang ibinigay niya sa akin. Kinabukasan nga after that, binigyan agad niya ako ng show,” pagbibida ni Michael.
Naging finalist si Michael ng The X-Factor Philippines. Naging mentor niya si Martin Nievera, nakaabot siya sa Top 5. Marami nga ang nalungkot at nanghinayang nang matanggal siya sa circle of 5. Nagkaroon pa nga ng issue na nagkaroon daw ng favoritism ang mga judge. ‘Yung dapat matanggal, siya pa itong pumasok sa grand finals. Hindi naman kagalingan ang boses, nakuha lang sa pagiging lovable nito sa audience. Ayaw na naming banggitin pa ang pangalan kung sino siya.
Kahit hindi naging winner si Michael sa X-Factor, winner naman siya puso ng kanyang mga fans at sa mga taong totoong naniniwala sa kakayahan niya as a singer/performer. Tuluy-tuloy ang pag-usad ng kanyang singing career sa tulong ni Jobert. Katunayan nga, may solo album na siya entiled “Michael Pangilinan, Bakit Ba Ikaw? under Star Records. Ang balita nga namin, pumapalo na ito para maging gold record.
“Sana nga po, five tracks, 2 original songs composed by Vehnee Saturno at tatlong revival songs. Sina Vehnee at Nanay Jobert ang namili ng songs for the album. Ngayon nga, kahit marunong na akong mag-play ng guitar, patuloy pa rin akong nag-aaral para lalong mahasa sa pagtugtog ng guitar. Ang masarap, ‘yung feeling na nagpi-play ka ng guitar while singing,” aniya.
Pangarap din ni Michael na maging artista pero hindi pa sa ngayon. Kailangan muna niyang mag-focus siya sa kanyang singing career. Kahit wala pang-regular show, hindi naman nawawalan ng racket ang young ballader.
“On March 22, special guest ako sa concert ni Ruby ‘Token’ Lizares at Teatrino, Greenhills entitled “My Token of Love” with Richard Poon, Kuya Germs, Prima Diva Billy. Gusto ko sanang mag-artista, pero ayaw muna ni Nanay. Unahin ko po muna raw ang singing career ko. Ito ngayon ang ginagawa ko, kapag nasa bahay, practice lang araw-araw at pakikinig ng mga songs ang ginagawa ko. Siguro kapag may regular show na ako saka ako kukuha ng voice lesson para lalo akong mahasa sa pagkanta. Ginagawa ko ito for myself at sa family ko, sila ang aking inspirasyon,” say nito.
Kung sakaling dumating sa punto na maintriga si Michael, kakayanin kaya niya ito?
“Sa ngayon po, wala pa. Kung hindi naman totoo ‘yung intriga, hindi ko na lang papansinin. Pero kung totoo, kailangang ayusin at harapin,” diretsong sagot ni Michael.
Sagana sa pangaral ni Jobert si Michael para maging matatag ito sa mga pagsubok na darating sa kanya.
“Kailangang maging totoo ka lang. Mag-practice ako nang maigi at magtulungan kami. Maayos po ang samahan namin ni Nanay. Napaka-supportive po niya sa akin. Three years na as a singer, maganda ang takbo ng career ko. Bale naka-apat na major concert na po ako, tatlo sa Zirkoh at isa sa Library, Metro Walk, Ortigas last Feb. 12. Magkakaroon uli ako ng show sa Library, Ortigas on March 15, 2014. Inaayos pa lang po ‘yung show namin ni Nanay,” pahayag ng versatile singer.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield